Tears With A Smile

" 'Ayan ka na naman. Hindi ka na ba magsasawang tumingin sa poster na 'yan? Aba'y hanggang ganyan na lang naman ang ginagawa mo, ah."

Napangiti na lang si Yuzuha at bumuntong-hininga sa sinabing iyon ng kaibigang si Nia. Naroon lang naman siya sa bench kung saan tanaw niya sa kabilang kalsada ang manong na nagtitinda ng ilang posters at mga laruan. Nakaugalian na niyang gawin iyon sa tuwing pauwi na siya galing sa university kung saan siya nag-aaral.

Tama naman kasi ito. Hanggang ganoon na nga lang ang kaya niyang gawin. Kilala niya kasi kung sino ang nasa poster na iyon. And it wasn't because that person was famous. Yuzuha came to know that person before all the fame he and his friends were taking in. But for her, that was a long time ago.

The two of them were separated now, only because they chose to take different paths.

Huminga na lamang siya ng malalim at ipinagpatuloy ang pagtingin sa poster na iyon. At least, masaya siya na nagkaroon na ng katuparan ang pangarap na pinili nitong tuparin at tahakin. Malaking bagay na iyon para sa kanya.

"Hindi ka man lang ba magpapakita sa kanya? Kaya mo namang gawin iyon, 'di ba?"

Napatingin si Yuzuha kay Nia dahil sa tanong nito. Hindi lingid sa kaibigan kung ano ang kakayahan niya. It was the skill that she learned to hone over time since she and that person separated ways.

Umiling na lang siya at tiningala ang langit na nag-uumpisa nang magdilim. "Parang... sa tingin ko, wala nang silbi kahit magpakita pa ako sa kanya. Ayoko nang ma-distract siya dahil lang nagpakita ako."

"Kahit nasasaktan ka pa rin dahil mas pinili mong magsinungaling sa kanya kaysa sabihin ang totoong dahilan kung bakit ginusto mong lumayo sa kanya?"

"Nia, alam kong alam mo ang dahilan kung bakit hindi ko puwedeng sabihin sa kanya ang totoo. I wasn't born a normal person as he was and I was never destined to live an ordinary life with him or with anybody else because of that reason. Hindi ako ang ordinaryong taong nakilala niya noon. From the start, I lied. And until we chose to do different things that drove us apart, I was never truth to him. At sa tingin ko..." Hindi niya napigilang mapasinghot at pahirin ang mga luhang huli na nang malaman niyang tumulo na pala. "...mas mabuti pang panatilihin ko na lang na isang kasinungalingan ang Yuzuha na nakilala niya noon. He would be safer that way."

Hindi na nagsalita pa si Nia pagkatapos niyon. As for Yuzuha, her tears were still falling. But it wasn't continuous as it was a while back while explaining things to her friends. Hindi niya talaga inakalang iiyak siya, na mailalabas niya ang pinipigilang emosyon mula pa noon.

"Did he even realize that you let him go and your friendship with him because... you love him? More than a friend?"

Hindi na siya nagulat sa tanong na iyon ni Nia. Pero hindi pa rin siya nakasagot kaagad.

Yuzuha smiled sadly and stared at the poster of the person on the other side of the road once again. This time, with an undeniable longing etched on her face.

"Who knows..."

Mas mabuti pa nga siguro na sa kanya na lang ang sagot sa tanong nito. Until the time comes that her tears behind the smile she practiced for so long finally disappear, no one would ever know what had been in her heart since that fateful day she chose to let him go.

xxxxxx

WRITER'S NOTE: Ang nasa isip ko talaga noong una, isulat ko ito as a fanfiction featuring SB19's Justin. Pero hindi ko na lang inilagay ang name niya in the end. For some reason, siya talaga ang visual na naiisip ko para sa taong tinitingnan ni Yuzuha mula sa poster na iyon mula nang umpisahan ko ang one-shot na 'to.

As for Yuzuha, naiisip ko lang siya as a character from Eight Thorned Blades na isinusulat ko. So baka may ideya na kayo kung anong klaseng character si Yuzuha.

No comments:

Post a Comment