In This Place Someday

"Can you move?"

Tango na lang ang naging tugon ni Renz habang tinutulungan siya ni Lara na makaupo sa kabila ng sakit na nararamdaman.

Paanong napunta sila sa ganitong sitwasyon na kailangan pa nilang magtago sa kuweba habang nagpapagaling kahit papaano?

"Pasensya ka na. Pati ikaw, nadamay sa nangyari sa kapangyarihan ko," hinging-paumanhin ni Lara kapagkuwan na pumutol sa sa pag-iisip ni Renz.

Agad siyang napatingin sa kababata na talaga namang mababakas sa mukha nito ang pagsisisi. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita.

"Why do you think I'd go that far just to stop you? Hindi lang dahil sa kababata kita kaya ko ginawa iyon. I hope you should stop telling to yourself that you're not worth protecting because of your ability. Are we clear?"

"Eh hindi naman iyon ang inirereklamo ko. Grabe ka namang mag-react kaagad," nakangusong banat niya.

"Doon din kasi napupunta ang usapan natin, eh. Lalo na kapag ganyan ka."

Ngiti na lang ang naging tugon ni Lara sa sinabing iyon ni Renz. Totoo naman kasi ang sinabi nito. Pero hindi nito naiintindihan ang sitwasyon niya dahil hindi ito ang in-isolate ng ibang tao dahil sa kapangyarihan nito.

Unlike her...

"Anyway, I didn't think we'd end up seeking refuge here, of all places. Kaya pala iba ang pakiramdam ko rito..." komento ni Renz kapagkuwan.

Noon lang naisipang sipatin ni Lara ang pinagtataguan nilang kuweba.

"How come I didn't notice this?" tanging tanong na lang ni Lara sa sarili at saka bumuntong-hininga. "This place is still the same kahit ilang taon na akong hindi nagpupunta rito. It still has the magic I once knew that was enough to comfort me kapag hindi kita mahagilap."

Napatingin si Renz kay Lara matapos sabihin iyon ng dalaga. Hindi niya nagawang itago ang lungkot at awang naramdaman para sa kababata niya. Naging pabaya nga siguro siya rito nitong mga nagdaang taon kahit nangako siya noon na mananatili siya sa tabi nito.

And yet filial duty took him away from that promise and inadvertently leaving her to deal with things on her own.

"I'm sorry... for leaving you all alone," mahinang sabi ni Renz na nagpatigil kay Lara sa pagmamasid sa loob ng kuweba.

Si Lara naman ang napatingin kay Renz dahil sa sinabi nito. Pero imbes na magalit dahil sa paghingi na naman nito ng tawad sa kanya, napangiti na lang siya. "Why are you apologizing? Hindi naman kita sinusumbatan o ano."

"But I still left you alone kahit nangako ako noon na hindi ko gagawin iyon."

"Renz, iniisip mo ba talaga na hindi ko kayang alagaan ang sarili ko? Hindi ko naman puwedeng hilain ka na lang ng basta-basta mula sa responsibilidad na iniatang sa 'yo ng pamilya mo."

"Pero kaibigan mo ako, Lara. Kahit sabihin pang may responsibilidad akong kailangang gampanan, hindi naman nangangahulugan na dapat na kitang pabayaan. Hindi ka man talaga nakadepende sa akin, pero..." Hindi na maituloy ni Renz ang gustong sabihun nang tingnan ni Lara nang mataman ang binata.

Isa iyon sa mga kahinaan ni Renz, hanggang ngayon na isa na siyang ganap na Power Caster ng Terradenio clan. Hindi man niya hayagang maamin pero iyon ang totoo. At iyon ang isa sa mga katotohanang pinanatili niyang lihim mula kay Lara, mula sa pinakamamahal na kababata.

Napaiwas ng tingin si Renz kay Lara nang wala sa oras dahil hindi niya matagalan ang tingin nitong iyon sa kanya. Pero kasabay naman niyon ay ang biglaang pagsigid ng sakit mula sa kanyang mga sugat. Sa sobrang sakit ay hindi niya napigilang mapaigik.

"Okay ka lang?" nag-aalala nang tanong ni Lara sa binata.

Bagaman tumango lang si Renz, hindi pa rin nawawala sa mukha nito ang sakit na halatang nararamdaman nito.

"Let's just stay here for now and reminisce. Ang tagal na rin mula nang huling beses tayong nagpunta rito," biglang suhestiyon ni Renz na ikinabigla ni Lara.

Hindi niya alam kung dapat bang sundin ang gusto nitong mangyari o hindi gayong nasa gitna sila ng isang labang ikinapahamak na ng binata. Pero minsan lang niya itong makasama nitong mga nagdaang taon. Panahon na rin siguro para mapunan kahit papaano ang nararamdaman niyang tila kulang sa puso niya dahil lang hindi niya ito nakakasama.

Huminga muna ng malalim si Lara bago siya muling nagsalita. "How long are we going to stay here?"

"As long as we want to," he soon answered with a smile.

Sapat na iyon para mapangiti na rin si Lara.

xxxxxx

WRITER'S NOTE: Renz can do paralysis shock, which is the ability to immobilize certain object's movement temporarily. While Lara can do pain infliction, the ability to instill pain on someone with mere thought.

No comments:

Post a Comment