Longing For Those Forgotten Times (B1A4 Sandeul Fanfic)

Kailangan ba talagang sumabay sa pagtulo ng kanyang mga luha ang pagpatak ng ulan? Oo na. Madrama na kung madrama ang dating ng tanong na iyon sa isipan ni Joanna.

Pero ano ba'ng magagawa niya? Ilang taon na rin niyang pilit na hinahanapan ng sagot ang tanong na iyon. Bata pa lang siya ay laging ganoon ang nangyayari. Kulang na lang talaga, isipin niyang may kakaiba sa kanya kaya ganoon ang nangyayari sa tuwing umiiyak siya.

Hindi nga kaya...?

Sa ngayon, hindi sigurado si Joanna kung mahahanapan ba niya ng sagot iyon. Marami pang ibang bagay na gumugulo sa kanyang isipan ng mga sandaling iyon. Mas mabuting iyon na muna ang pagtuunan niya ng pansin higit sa anupaman.

"Joanna, sasama ka ba sa amin? Mang-iistorbo tayo ng date nina Suho at Florence," nakangising yaya ni Sharmyn na ikinatawa na lang niya.

Sinamsam muna niya ang mga gamit na nagkalat sa mesang kinapupuwestuhan niya sa university library bago sinagot ang tanong ng kaibigan. "Gusto mo bang masapak hindi ka pa nakakalapit ng husto sa dalawang iyon? Alam mo naman hate na hate ni Florence na may kung sinu-sinong nang-iistorbo sa private moments nila ng boyfriend niya."

Ang hindi lang niya maintindihan, may kumudlit na kung ano sa kanyang puso pagkasabi sa salitang "boyfriend". Pero bakit? It wasn't as if she even had one before.

Or had she?

Huli na nang mapansin niyang tila nahulog siya sa malalim na pag-iisip dahil doon. Kung hindi pa siya pinitik ni Sharmyn nang pagkalakas-lakas sa noo ay hindi pa niya malalaman iyon.

"Para saan iyon?" halos paasik na tugon ni Joanna at nakasimangot na hinimas ang bahaging pinitik ng kaibigan.

"Pampagising. Nawawala ka na naman kasi sa sarili mo, eh. Pareho kayo ni Lei, alam mo 'yon?"

Hindi na lang siya kumibo at umalis na lang sa library. Hindi na niya kailangang lumingon para alamin kung sumusunod nga sa kanya si Sharmyn.

"Pero seryosong usapan, bakit wala ka na naman sa sarili mo? Ilang linggo ka nang ganyan, ah." Nang mga sandaling iyon, napansin na ni Joanna ang pag-aalala sa tinig ng kaibigan. Kahit papaano, hindi niya napigilang maantig dahil doon.

Kahit pala may pagkapraning kung minsan si Sharmyn, isa ito sa mga nagpapangiti sa kanya at nagsisilbing distraction niya kapag talagang hindi na nagiging maganda ang tinutungo ng mga tanong na gusto niyang mahanapan ng sagot.

"Marami lang akong iniisip. Pero promise, okay lang talaga ako. Ito lang kasi ang ayoko kapag umuulan, eh. Kung anu-ano ang pumapasok sa utak ko," paliwanag niya hanggang sa makarating sila sa labas ng building.

Napabuntong-hininga na lang si Joanna dahil doon at wala sa sariling tumingala sa makulimlim na kalangitan.

"Ano ba'ng naiisip mo kapag ganito ka, ha?" untag ni Sharmyn pero hindi siya nag-abalang tingnan ang kaibigan.

"Gaya ng sinabi ko na kanina, marami. Pero alam mo kung ano ang weird? May isang lalaking laging nagpapakita sa isip ko sa tuwing makikita ko ang pagpatak ng ulan."

"Lalaki? Kilala mo?"

Umiling si Joanna bago niya naisipang harapin si Sharmyn. "Iyon nga ang weird, eh. Lagi siyang nagpapakita sa isip ko pero kahit na kailan, hindi ko pa siya nakikilala o nakakaengkuwentro man lang."

Walang naging tugon si Sharmyn doon pero sigurado siya na pati ito ay napapaisip na rin sa naikuwento na niya. Sino ba naman ang hindi?

"Have you thought of it this way?" ani Sharmyn na pumutol sa pag-iisip niya. "What if nakilala mo na siya noon?"

"Papaano naman? At saka kung ganoon nga, bakit hindi ko siya maalala?"

Pero kibit-balikat lang ang naging tugon ng kaibigan.

Of course, she thought of such possibility. But there was certain circumstances that scratched out those thoughts of possibly encountering that manーwhoever he was.

Sa sobrang tagal ng paghihintay na tumila ang ulan, napilitan na sila ni Sharmyn na mag-taxi na lang pauwi. Tutal, sa iisang subdivision lang naman sila nakatira nito at magkatabi pa ang tinitirahang bahay.

Pagsakay ni Joanna sa taxi pagkatapos ni Sharmyn ay napatingin siya sa kabilang sidewalk sa 'di malamang dahilan. Ganoon na lang ang paglaki ng kanyang mga mata nang may mapansin doon na talagang nagpagulat sa kanya.

'Totoo ba 'tong nakikita ko?' Ang lalaking laging sumusulpot sa kanyang isipan sa tuwing umuulan... Naroon lang ito at nakatayo na hindi inaalis ang tingin sa kanya.

Ngunit bago pa man siya makapagtanong sa kaibigan kung kilala ba nito ang lalaking nakita niya, agad na umandar ang taxi na sinasakyan nila. Gayunpaman, hindi pa rin inaalis ng lalaking iyon ang matamanーat malungkotーna tingin kay Joanna. Napakunot-noo siya sa huling napansin.

Bakit ganoon ito kung makatingin sa kanya?

At bakit... nakaramdam siya ng 'di maipaliwanag na sakit at awa sa kanyang puso dahil sa nakita?

Sino ba talaga ito?

Nagising na lang sa malalim na pag-iisip si Joanna nang may maramdaman siyang tumulo sa kamay niya. Kumunot ang noo niya nang makita ang ilang patak ng tubig sa likod ng kanang palad niyang nakapatong sa kanyang mga hita. Agad siyang napahawak sa pisngi niya at ganoon na lang ang gulatーat pagtatakaーnang maramdamang basa iyon.

Umiiyak ba siya? Sa anong dahilan naman?

"Okay ka lang ba talaga, Joanna?" nag-aalala nang usisa ni Sharmyn.

Muli na lang siyang tumingin sa labas ng bintana ng taxi. "Hindi ko alam. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko." 'At lalong hindi ko maintindihan kung saan ba nanggaling ang sobrang lungkot na nararamdaman ko ngayon... dahil sa lalaking iyon, dugtong niya sa isipan at naalala niyang muli ang lalaking nakita niya kanina.

ーーーーーー

"Hanggang tingin na lang ba talaga ang gagawin mo?"

Agad na nilingon ni Sandeul ang pinagmulan ng tinig na iyon, para lang makita ang paglapit ng pinsan niyang si Ilsie.

"May karapatan pa ba akong lapitan ang babaeng mahal ko pero nakatakda ko namang patayin sa huli?" ganting-tanong na lang niya at ibinalik ang tingin sa direksyong tinahak ng taxi na sinakyan ni Joanna.

Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng kanyang pinsan kapagkuwan. Senyales na sa kanya iyon para tumigil na sa ginagawang pagpapahirap sa sarili.

"Kung bakit ba naman kasi nasa loob pa ng katawan ni Joanna ang Shard of Tears..."

"There was never a record in our history na may nabuhay matapos tanggalin sa katawan nila ang pesteng kristal na iyon. At iyon ang mas nakakainis!" kuyom ang kamaong tugon ni Sandeul sa sinabi ni Ilsie.

Ilang sandali siyang tinitigan ng dalaga habang siya ay patuloy na nagngingitngit sa galit at kawalan ng pag-asa.

"So are you willing to kill her now that she couldn't remember you?" Ilsie asked gravely moments later.

Napipilan siya sa tanong na iyon. At gaya ng inaasahan, wala siyang maisip na matinong sagot. Pero hindi nga dapat ganoon ang sitwasyon. He should've made his resolve when he used the Scroll of Memories' powers to erase Joanna's memories about him from her mind. And yet, here he was.

"Kailan ba ako darating sa puntong handa akong gawin ang misyon kong iyon na hindi mababaliw dahil ako ang nakatakdang tumapos sa buhay ng babaeng mahal ko?" Napangiti na lang siya nang mapait at hindi na pinigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. "Huwag kang mag-alala. Ikaw ang una kong sasabihan kapag nangyari na iyon."

Kung sa mata siguro ng iba, kailangang gawin ni Sandeul ang nakatakda at ang misyong nararapat lang na matapos na. Pero hindi iyon ang naiisip niya.

Hindi siya sigurado kung hanggang kailan siya pahihirapan ng walang humpay na sakit ng kaloobang nararamdaman niya. Pero sa huli, handa pa rin siyang gawin ang sa tingin niya ay tama.

But killing the only woman that made his heart beat like this for the first time in his lifeーeven if it was for the sake of an ultimate missionーwould never be one of them.

xxxxxx

Another fanfic dedicated to MoonDust_JC/NaughtyCielo this time si Sandeul naman ang male lead. Request na rin kasi niya, eh. Hehe! Ewan ko lang kung okay sa 'yo ang kinalabasan ng kuwento ninyong dalawa rito, lalo na't wala talaga kayong maituturing na matinong interaction ni Sandeul dito sa kuwento. Pero sana, magustuhan mo pa rin ito.

Connected pala ito doon sa EXO fanfic na minsan ko na ring i-p-in-ost dito. Honestly, if I would write a full version of this, baka mag-isip muna ako ng English name na puwedeng gamitin kay Sandeul. Sa ngayon, ganito muna.

By the way, LittleRedYasha, naisip kitang isingit dito for some reason dahil hindi ako kaagad makaisip ng panibagong character na kasa-kasama ni Joanna sa kuwento. Kung gusto mo, gawan din kita ng version mo. Hindi ko nga lang alam kung kanino kita ipapareha. Sabihin mo lang sa akin kung meron, ha?

No comments:

Post a Comment