Still Want To Hold On

[Rina]

Just a last wish ended everything between me and Hiroto. I could've laughed, you know. Yes, he wished for it. But until this moment... I couldn't accept that everything disappeared just like that.

It was his wish that made me this strong... and yet still yearning to be with him. A long time had passed since then. I couldn't even tell how long I've yearned for him. Though we had a weird start, I learned to accept it when I made sure that I really loved him. I accepted him in spite of the truth threatening to pull us apart from each other. I learned to bear all that... because I knew I would never be able to love anyone in my life again the same way I've come to love my husband who, until the end, remained thinking about me and my happiness.

"Rina..."

From the lake that I've been looking at for who knows how long, I turned to the source of that voice. I immediately recognized the person.

"Ryo..." I jus said. "Why are you here?"

Ryo didn't say anything for a while even when he finally approached me. He stared at me for a few moment before sighing.

"What else? Of course, I've been looking for you. You left the house without saying anything." Ryo kept silent for a few moments once more and looked around. "This place..."

I just nodded, even though my eyes would surely show the sadness in my heart. So does my smile. "I really chose to stay here even for a while. Just for now."

"Bakit?"

Hindi ko kaagad naisip ang sagot sa tanong ni Ryo. Bakit nga ba? Paano ko ba sasagutin ang tanong niyang iyon? Sa pagtingin ko sa ilog, noon ko lang naisipang magsalita. "Naalala ko na naman siya. Lalo na 'yong huling sinabi niya sa akin. 'Yong gusto niyang ipangako ko sa kanya hanggang sa huling sandali ng buhay niya."

Walang nagsalita sa amin ni Ryo pagkatapos niyon. Isa pa, ano pa ba ang pag-uusapan namin? Alam niya kung ano ang tinutukoy ko.

Wait... Alam nga ba niya?

"Handa ka bang gawin iyon kung sakali mang dumating ka nga sa puntong iyon ng buhay mo?" mayamaya ay narinig kong tanong ni Ryo sa akin.

Lalo akong hindi nakaimik pagkatapos kong marinig iyon. Kilala ko si Ryo. Sasabihin at sasabihin talaga niya ang anumang maisip niyang sabihin. Mas madalas, sa 'di inaasahang pagkakataon. 'Yong bang talagang magugulat na lang ako.

Ilang sandali pa, hindi ko na namalayang pinag-iisipan ko na pala ang tanong ni Ryo sa akin. Pero wala akong maisip na konkretong sagot. Hindi naman kasi ganoon kadali iyon, eh. Pero ano'ng magagawa ko?

"Sigurado ako na hindi niya gugustuhing manatili kang nakatali sa alaala niya kahit ngayong wala na siya rito sa atin. Sa iyo. Pero Rina, hindi ko rin ipinipilit sa 'yo na tuparin mo ang hiling niya na labag sa kalooban mo. Mas mahirap iyon, lalo na sa 'yo."

Sa pananatili ko sa pagtingin sa ilog, sumagi sa isip ko ang mga huling sandaling magkasama kami ni Hiroto. Hanggang sa huli, kahit nahihirapan na talaga siya, nakuha pa niyang ngumiti nang pumayag ako sa gusto niyang mangyari sa akin.

Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin makuhang sabihin kung ano nga ba talaga ang gagawin ko tungkol doon. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko pagkatapos kong pag-isipan iyon.

"Thank you, Ryo. I really appreciate you saying all of that to me," I sincerely said after that long silence between us.

"Alam mong hindi ako matatahimik hanggang hindi ko nasisigurong okay ka na nga talaga, Rina. Tandaan mo iyan. I'm not only doing this for Hiroto, okay? Kaibigan na rin kita."

"I know. Kaya malaki ang pasasalamat ko sa 'yo. Pero... ayokong pilitin ang sarili ko kung tungkol rin lang kay Hiroto. Kaya kahit masakit, kahit patuloy pa ring nagbibigay iyon ng takot sa akin, patuloy ko pa ring panghahawakan ang pagtanggap ko sa huling hiling niya. Hindi ko man matupad ngayon, pero siguro dadating din tayo riyan. Hindi pa siguro ito ang tamang panahon para mangyari iyon."

Time... Memories...

These two could possibly be the ones to remain tying me to my past with Hiroto. But... this was what I want to hold onto until the time come for me to do all the things needed to be done. I just wanted him to remain in my memory longer, while they still remain clear in my mind somehow.

One day, I would do my end of the bargain. But for now, let me remain holding on to you. Until the time would come that we would see each other again, let me keep you here in me.

xxxxxx

"Cloud Warriors" is actually an upcoming English story coming from me na parte ng "Power Casters" series ko. And now, hindi ko alam kung bakit naisipan kong isulat ang one-shot na ito na related doon in Tagalog. Hay...

No comments:

Post a Comment