It Will Always Hurt Me

"Things are getting weirder here by the second. You know that?"

Pero buntong-hininga lang ang naging tugon ni Ilsie sa sinabing iyon ng pinsan niyang si Eldrin. "Alam mo, kung makapagsalita ka, parang may bago pa sa bagay na 'yon, 'no?"

"O, ano'ng problema mo't high blood ka yata?"

"Hindi ako high blood. Buwisit lang." Kung may ikakasarkastiko pa siguro ang paraan ng pagsagot niya, baka nagawa na niya iyon.

Pero wala siya sa mood na tuluyang sirain ang araw niya. Lalo pa't mukhang lumalala na ang sitwasyong nakabalandra sa kanyang paningin ng mga sandaling iyon.

"The Draohins are steadily getting stronger," Ilsie commented somberly before sighing once again. "Pero heto ako..."

"Hayan ka naman. Ilang beses ko bang sasabihin na 'yo na wala kang kasalanan? What you need to focus on right now is getting your full powers back. At mukha namang hindi na magtatagal bago mangyari iyon."

Napatingin siya kay Eldrin pagkatapos niyon. 'Di nagtagal ay agad na rumehistro sa isip niya ang ibig ipahiwatig ng kanyang pinsan. "The Gatekeeper's awakening. Pero 'di ba, may nangyaring hindi maganda noong huling beses na nabuhay ang Gatekeeper? Do you think she'll be able to recall the things she needed to know about her task even after that?"

Nagkibit-balikat si Eldrin at tumingin na lang sa langit. "Who knows? Oras na makita mo ang isa sa mga Guardians na pagala-gala rito sa Human Realm na may hinahanap, alam mo na ang sagot doon." Kapagkuwan ay napatingin ito sa kanya. "Bakit? Huwag mong sabihing may nakita ka na kahit isa sa kanila?"

Walang naging tugon doon si Ilsie.

xxxxxx

Nagpakawala na lang ng isang malalim na buntong-hininga si Ilsie matapos lumabas muna ng classroom kahit pansamantala. Muli ay napatingala siya sa langit at hindi niya napigilan ang mag-alala sa nakita.

"You can see it now?"

Hindi na niya kailangang lumingon para malaman kung sino iyon. "Yeah. I've been seeing this for days now. Pero sorry, hindi ko pa magagawang makatulong sa inyo, Alexander. Alam mo naman ang sitwasyon ko."

"Kung makapagsalita ka naman, parang ang laki ng kasalanan mo. Ipinaliwanag na sa akin ni Eldrin ang nangyari sa 'yo. At tama siya na sabihin sa 'yong mas pagtuunan mo ng higit na pansin ang pagbabalik ng kapangyarihan mo kaysa anupaman. Kaya pa naman naming harapin ito na kami lang."

"Oh, yeah? For how long?"

Hindi sumagot si Eldrin at ito naman ngayon ang bumuntong-hininga. "Hanggang sa mahanap na namin ang Gatekeeper."

"Ah... kaya mo naisipang magpakita na kay Camille kanina? Ganoon ba?"

Agad na napatingin sa kanya si Alexander. "Nakita mo ako?"

"I might have only known you once in my previous life. Pero hindi pa ako naturingang bulag pagdating sa pagkilala sa inyong mga Guardians. Isa pa, ikaw ang madalas kong makitang pagala-gala rito. And I believe you were the one who first talked to me even before. Bakit mo nga pala ginawa iyon noong huling beses akong nabuhay?"

"I find you fascinating. Sayang nga lang at hindi naging tayo." At nakuha pa talagang umiling ni Alexander na para bang nanghihinayang nga ito.

Hindi napigilang mapangiti ni Ilsie. "Tumigil ka nga diyan. Hindi bagay sa 'yo." Kapagkuwan ay huminga siya ng malalim. "Huwag kang mag-aalala. Malapit na ring dumating ang panahon na makakatulong ako sa inyo sa pagpuksa sa mga Demons na naglalabasan sa mga portal na patuloy na nagbubukas."

"Teka, huwag mo namang sagarin. Baka nalilimutan mo kung ano'ng nangyari sa iyo pagkatapos mong pahirapan nang husto ang sarili mo noong huling beses kang nabuhay rito."

"I died because it was the result of my choice to protect him at that time, Alexander. At handa akong dumaan sa parehong proseso para maprotektahan siya kung kinakailangan. I guess I'll end up doing the same thing whatever happens."

Umiling si Alexander at bumuntong-hininga na para bang ayaw nang pakinggan ang sinasabi niya. Pero kahit naman siguro sino, ganoon ang magiging tugon kapag nagsasabi na siya ng tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa kaya niyang gawin para sa taong mahalaga sa kanya. At kung ang mamatay para sa taong iyon ang isang paraan, handa siyang gawin iyon.

"Kaya ba hindi ka na nagpapakita sa kanya?" kapagkuwan ay tanong ni Alezander sa kanya.

"Bakit? Lumalabas ba siya patungo rito sa Human Realm? Gaya nga ng sinabi ko na, ikaw pa lang ang nakikita kong pagala-gala rito. Isa pa, hindi na ako umaasang magsasalubong pa ang mga landas namin," katwiran ni Ilsie at napatingala sa langit.

Pero ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita ang kakaibang pagdilim niyon. At hindi siya maaaring magkamali sa nakita.

"Damn it! Bakit ngayon pa?" ani Alexander na nagkuyom pa ng kamao nito.

Hinarap niya ang lalaki matapos ang ilang sandali. "Bumalik ka na muna at siguraduhin mong walang nakalabas sa portal. Susubukan kong kontakin ang sinuman sa mga kasamahan ko na tumulong kahit papaano sa inyo kung sakaling may nakatakas mula roon."

Hindi na tumanggi pa si Alexander sa suhestiyon niya at agad na itong naglaho mula sa kinatatayuan nito. Pero bago ito tuluyang mawala sa harap niya, isang bilin ang ipinaabot niya rito.

"Just don't die..."

xxxxxx

Sampung taong gulang pa lang noong huling beses na nagtungo si Ilsie sa Shiasena Temple na normal pa ang takbo ng buhay niya. Kung hindi siya nagkakamali, iyon ang unang sabak niya sa combat training kahit hindi pa talaga lumilitaw ang kapangyarihan niya. Gayunpaman, kinakitaan na siya ng talento sa paggamit ng pana at palaso.

For some reason, she really has some affinity to that weapon, as if she had been an archer in her past life. At hindi nga siya nagkamali sa sapantahang iyon. Her first day of training was the turning point of her life--the fact that she would be remembering who she really was in her past life.

Lalo na ang isang sakripisyong ginawa niya para lang hindi na maparusahan ang nag-iisang lalaking minahal niya noon. At mukhang ganoon pa rin ang nararamdaman niya para rito hanggang sa mga sandaling iyon.

Base sa kuwento ng kanyang mga magulang, minsan nang nasira ang templong iyon ngunit ginawan ng paraan para muling maipatayo iyon. In a way, she was grateful that she could see this temple still standing after all that. At malaki rin ang pasasalamat niya na muling naipatayo ang Shiasena Temple dahil na rin sa personal na dahilan.

Papasok na sana si Ilsie sa loob ng templo nang may namataan siyang kakaiba sa paligid ng templo. Despite the figure's swift move, she couldn't feel anything foreboding about it. Pero sa 'di malamang dahilan, biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso.

Para saan iyon?

Isang malalim na buntong-hininga na lang ang pinakawalan ni Ilsie at pinabayaan na lang ang kung anumang naramdaman niya. Hindi man iyon isang imahinasyon, malaki ang palagay niya na hindi iyon gagawa ng anumang ikapapahamak ng mga tao sa lugar na iyon.

Now where did I get that kind of notion? Napangiti na lang siya ng mapait sa naisip.

xxxxxx

"Alexander, sigurado ka ba talaga na ang babaeng iyon ang minsan nang tumutulong sa inyo ni Stephen?"

Tumango ang lalaki sa tanong na iyon ni Francis. Ang nakakapagtaka lang, bakit hindi niya yata maalala ang tungkol sa babaeng 'di niya sinasadyang makita roon?

The temple was perfect for the Guardians to recuperate even for a short while because of the spiritual energy inhabiting the area. Malaking tulong iyon sa kanila para maibalik kahit papaano ang enerhiyang nawala sa kanila dahil na rin sa tila walang katapusang pakikipaglaban sa mga Demons na naglalabasan sa portal.

Hindi iyon ang unang beses na nagpunta siya roon at sigurado siya sa bagay na iyon. Pero ang hindi niya maintindihan, bakit may iba siyang nararamdaman sa lugar na iyon? Mas lumala iyon nang makita niyang naroon din sa Shiasena Temple ang sinasabi ni Alexander na tumutulong sa kanila noon ni Stephen na patayin ang mga naglalabasang Demons sa portal.

"Who is she?" Francis couldn't help muttering with an expression akin to curiosity and... desperation? Para saan iyon?

"Kilala siya ngayon sa panahong ito bilang si Cleo Ilsevel Liaris. Ilsie for short at kabilang siya sa Treharne clan. To be specific, siya ang apo ni Danica Lencioni na kilala bilang isa sa pinakamalakas na Wind Caster ng angkan na iyon. At alam kong alam mo kung anong klaseng mga nilalang ang mga nasa angkang kabilang sa 16 Cloud Clans," paliwanag ni Alexander na sumandal sa railing na nakapalibot sa Ceruvira Sanctuary, isa sa pitong templong kasama ng Shiasena Temple.

Tumango-tango si Francis at muling tiningnan ang pinasukang templo ng babaeng ngayon ay kilala na niya sa pangalang Ilsie. "Kung ganoon, sino si Ilsie noong huling beses siyang nabuhay?"

"She lived 400 years ago by the name of Elysriel Clearmane, known as one of the greatest Power Casters of that time living in Europe before migrating to the Philippines."

Parang balewala lang kay Alexander ang pagsasabi nito ng pangalan na iyon pero hindi ganoon ang naramdaman ni Francis. Tila may sumugat na kung ano sa kanyang puso nang marinig ang pangalang minsang ginamit ni Ilsie. Elysriel?

Hindi siya maaaring magkamali. Minsan na niyang narinig iyon. Kung ibabase niya sa kakaibang pakiramdam na kumalabit sa kanyang puso pagkarinig sa pangalang iyon, sigurado siya sa bagay na iyon. Pero sa lahat ng kamalasang makukuha niya, bakit ang hindi pa pag-aalala sa tunay na rason ang nakuha niya?

Muli ay hinarap ni Francis si Alexander, nasa mukha niya ang kadesperaduhan. "Sino siya sa buhay ko?" Alam niya na iyon ang tamang tanong kung ibabase na rin niya sa kakaibang pakiramdam na bumabalot sa kanya nang mga sandaling iyon.

Ilang sandaling hindi umimik ang kaibigan niyang ito at nanatili lang nakatitig sa kanya, tila tinatantiya ang kung ano mang nakikita nito sa mga mata niya. Ilang sandali pa ay huminga ito ng malalim. "Sigurado ka bang gusto mong malaman?" bagkus ay balik-tanong nito sa kanya.

"Tatanungin ko ba kung hindi?" Masasakal na talaga niya si Alexander kapag hindi pa nito sinagot ang tanong niya.

"Kahit sabihin kong siya ang dahilan kung bakit hindi mo maalala ngayon na minsan kayong nagmahalan noong huling beses siyang nabuhay?"

Hindi kaagad rumehistro sa isip ni Francis ang narinig. Pero 'di nagtagal ay nanatili lang siyang nakatingin dito habang tinatantiya kung totoo ba ang sinasabi nito. Walang bahid ng kahit anong pagbibiro sa mga mata ni Alexander na nakatingin lang sa kanya ng mga sandaling iyon.

What? Totoo ba ang sinabi ni Alexander sa kanya?

xxxxxx

Isinilid ni Ilsie sa isang mahabang drawer na naroon ang dala-dalang pana at mga palaso. Oo nga at iyon ang ginagamit niyang sandata kapag nakikipaglaban siya sa mga Draohin pero kailangan pa muna niyang ayusin iyon dahil muntik nang masira iyon noong huling beses siyang nakipaglaban. She still had a spare bow and an enchanted quiver of arrows so she didn't have anything to worry about.

Pero bukod sa pagtatago ng kamuntikan nang masirang sandata niya, may isa pang dahilan kung bakit nagtungo siya sa bahaging iyon ng Shiasena Temple.

Katabi lang ng drawer kung saan niya isinilid ang pana, inilabas niya ang isang may kahabaang scroll. Mukha nang luma iyon kung ibabase sa itsura at may ilang bahagi na rin ang punit-punit. Patunay lang kung gaano na katanda ang scroll na iyon.

"300 years is no joke," aniya at saka pinakatitigan lang ang nasabing scroll.

Hindi niya napigilang mapangiti nang malungkot habang ginagawa iyon. Ilang sandali pa, huli na nang mapansin niyang isa-isa nang nagtutuluan ang kanyang mga luha. Hanggang sa iyak ay nauwi sa impit na paghagulgol dahil ayaw niyang may makarinig sa pag-iyak na ginagawa niya roon.

True, 300 years was no joke. It had been that long that she kept the existence of that magical scroll a secret even after she died... in Francis' arms.

The very scroll that held every memory that she (as Elysriel) and Francis had created three centuries ago.

"I'm sorry... I'm sorry..."

Trying hard not to crumple and destroy the scroll, she continued crying with the hopes of easing the pain that recalling old memories had brought her. Kasalanan na nga sigurong maituturing ang ginawa niyang pagbura sa isang bahagi ng alaala ng isang Guardian na tulad ni Francis, pero iyon lang ang tanging paraan para maibsan ang sakit na alam niyang mararamdaman nito dahil sa nangyari sa kanya noong nabubuhay pa siya bilang si Elysriel.

Mas mabuting siya na lang ang makaramdam ng sakit na iyon kaysa ang binata.

"Tama... mas mabuting wala na siyang maalala tungkol sa akin..." bulong niya sa sarili at mapait na napangiti nang muling sumagi sa kanyang isipan ang isang lumang alaala mula sa nakaraan...

xxxxxx

One thing I'll admit after writing this--hindi ako hard core fan or die hard fan ng EXO. Pero may crush ako kina Suho, Baekhyun at Sehun--hanggang ngayon. Lalo na kay Suho. Well, mas malala lang po kasi ang pagiging fan ko sa ilang mga actors na gumanap sa iba't ibang Super Sentai series (Japanese/original version ng Power Rangers, for those who didn't know) kaya hindi na talaga ako masyadong updated sa anything K-Pop. Maliban na lang kung talagang magkukuwento ang bunsong kapatid ko tungkol doon. Even so, sana may sense pa rin itong sinulat ko rito.

Inspired ito sa EXO fanfic na sinulat at p-in-ost ni Azel-Phr sa FB account niya kaya naisipan kong isulat ito. At dahil nabinbin na rin ng ilang buwan (from Merciless to... ano ba ang kasunod nito? Hehe!) ang mga EXO fanfic na naiisip niya, naisipan ko na lang gumawa ng sarili kong version ng kuwento namin ni Suho na kahit papaano ay connected sa sinulat niya. Hindi ko nga lang alam kung talagang kumonek doon sa kuwentong naisulat na niya.

Pero sana magustuhan n'yo pa rin ito.

No comments:

Post a Comment