Only Way To Counter That

Isang buntong-hininga na lang ang pinakawalan ni Kara matapos sipatin ang katatapos lang na painting. Hindi naman dapat ganoon ang reaksyon sa katatapos lang na obra. Pero hindi niya maiwasang gawin iyon.

Isang pagkatok sa pinto ng silid na gamit ni Kara ang pumutol sa daloy ng pag-iisip niya. Hindi niya napigilang pangunutan ng noo dahil doon. Sino naman kaya ang malakas ang loob na guluhin ang katahimikang ini-enjoy niya?

Okay, medyo weird na yata ang dating n'on. Pero iyon naman ang totoo, 'di ba? Nagkulong siya roon para makapagpinta at para ma-enjoy na rin ang katahimikan doon.

"Kara!"

Ganoon na lang ang pagbilis ng tibok ng puso niya nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon. Ano'ng ginagawa nito sa lugar niya?

"Kara, please open the door! Mag-usap tayo," patuloy na tawag nito sa kanya.

Pero nanatili lang siyang nakatayo roon at nakatingin sa pinto. Naiisip niya ng mga sandaling iyon na wala nang dahilan pa para mag-usap sila nito. Iyon ay kahit iba ang sinasabi ng puso niya. Sa totoo lang, mas malakas pa nga sa pandinig niya ang tibok ng kanyang puso na para bang nagwawala sa bilis.

"Hinidi na ako puwedeng magpakita sa 'yo, Julian..." ani Kara sa sarili at huli na nang namalayan niyang tumulo na ang luhang kanina pa niya pinipigilan.

Kahit masakit... Iyon na lang ang kaya niyang gawin. Wala nang dahilan para magpanggap siya. Hindi na niya puwedeng lokohin ang sarili niya.

Lalo na ang kanyang puso.

Muli ay huminga ng malalim si Kara. Pero sa pagkakataong iyon, ginawa na niya ang lahat para pigilan ang pagtulo ng kanyang luha. Wala nang dahilan para patuloy pa siyang umiyak.

Nakapagdesisyon na siya.

Kasabay ng isiping iyon, napalingon si Kara nang biglang magliwanag ang katatapos lang na painting niya.

Don't tell me...!

Pero bago pa man tuluyang masiguro ni Kara ang naiisip, napapikit siya nang lalong lumakas ang liwanag na nagmumula sa painting. Hindi niya napigilang mapapikit nang husto dahil sa sobrang liwanag.

Wala siyang ideya kung ano ang mga sumunod na nangyari habang nakapikit. Nang sa tingin niya ay tapos na ang kung ano mang kababalaghang nagaganap ay saka lang siya nagbukas ng mga mata. Her sight still couldn't make out what was going on. But she soon heard birds chirping as they appeared to fly over the area.

Bigla ay bumilis ang tibok ng kanyang puso. Ayaw niyang isipin na baka pinaglalaruan lang siya ng pandinig o ano. Pero wala naman sigurong masama na humiling, 'di ba? After all, she had been wishing for this for so long.

To finally go back to where her heart changed and found the one it was looking for.

Muling sinikap ni Kara na tingnan ang lugar kung saan siya naroroon ng mga sandaling iyon. Mabuti na lang at unti-unti nang nagiging normal ang tingin niya sa paligid. Hindi niya napigilang mapaluha sa tumambad sa kanya.

I did it... I made it back here. I finally did it! Gusto niyang isigaw ang mga iyon pero agad siyang nagpigil sa takot na baka maglaho ang mga nakikita niya ng mga sandaling iyon kapag ganoon ang ginawa niya. Hindi pa rin mapatigil sa pagtulo ang kanyang mga luha habang pinagmamasdan ang paligid.

"Kara, ikaw ba 'yan?"

Para bang tumigil sa pag-ikot ang mundo ni Kara pagkarinig niyon. At mukhang ganoon din ang nangyari sa mga luha niya. Hindi niya ang susunod na gawin dahil sa samu't-saring emosyong dumadagsa sa kanya nang mga sandaling iyon. Isa sa mga iyon ang takot na baka nga maglaho ang lahat ng nakikita niya at isang panaginip lang pala ang mga iyon.

Sa kabilang banda, nangingibabaw naman ang tuwa na binigyan siya ng ganoong pagkakataon na makabalik doon. Ilang taon din niyang ininda ang lungkot, pangungulila at pag-aasam na makabalik doon. Hindi siya tumigil at sumuko dahil sa kanyang puso, alam niyang para siya sa lugar na iyon.

Naroon ang puso niya. At wala nang makapagpabago pa iyon.

"Kara... Please turn around," pakiusap ng tinig na iyon na umantig sa puso niya. "Gusto kong masiguro na ikaw nga iyan."

The tears that stopped falling a while back resumed and she couldn't do anything to stop it. Pero balewala iyon sa kanya dahil mas nadagdagan lang ang tuwang kanina pa niya naramdaman. His voice... was her assurance that everything she saw around her was real. That she was finally back.

She had returned... to the place where she left her heart.

Ginawa niya ang ipinakiusap ng tinig na iyon. She turned around as soon as she caught glimpse of the man who told her to do so. Pero bago pa man niya magawang makita ito nang husto, naramdaman na lang niya ang malakas na paghila nito sa kanya at saka siya niyakap nang mahigpit na para bang ayaw na siyang pakawalan pa.

"Vance..." she uttered, her voice couldn't hide the fact that she missed him so. "I'm sorry. Ngayon lang ako nakabalik dito. But believe me. Ginawa ko ang lahat para magawa ko iyon. Kaya langー"

"Sshh... It doesn't matter," Vance whispered soothingly, his hand caressing her hair and him placing small kisses on it. "Ang mahalaga, nandito ka na. At sisiguraduhin kong hinding-hindi ka na mawawala pa sa buhay ko."

Napangiti na lang si Kara. Hindi naman niya ginustong maglaho sa buhay nito noon pero hindi pinahintulot ng tadhana na mangyari iyon. Pero heto na sila ngayon. Kung ano man ang posible pa nilang pagdaanan sa mga susunod na araw, saka na niya pagtutuunan ng pansin iyon.

Ang mahalaga sa ngayon, kasama na niyang muli ang taong tanging binigyan niya ng permisong hawakan nang buung-buo ang kanyang puso.

"Siguraduhin mo lang na mangyayari iyan, ha?"

Tumawa na lang si Vance.

No comments:

Post a Comment