August


Kulang na lang talaga, itapon ko na sa basurahan ang maliit na kalendaryong nasa mesa ko. Kung bakit ba naman kasi kailangan pa niyang ipagawa sa akin iyon. Ano naman daw kasi ang mapapala ko kung bibilangin ko ang mga araw na nagdaan hanggang sa makarating ako sa buwan ng Agosto? Sira-ulo talaga ang lalaking iyon kahit na kailan.

Pero... wala naman sigurong masama ang umasa, 'di ba? Siya naman ang nagsabi na babalik siya, eh. Maliban na lang talaga kung pinapaasa lang ako ng lokong iyon. Malalagot talaga siya sa akin kapag ganoon lang ang gusto niyang mangyari.

Mas madalas na hanggang tingin lang sa labas ang kaya kong gawin dahil sa ganoong paraan lang ako nagkakaroon ng pag-asa. Tag-ulan nga sa Pilipinas pagdating ng Agosto pero mahalaga sa akin ang buwan na iyon dahil noon ko siya nakilala. Sa buwan na iyon nagkaroon ng kulay ang buhay kong talaga namang napaka-boring.

Kaya siguro ganito na lang ang pagtitiyaga ko na magbalik siya.

Kumunot na lang ang noo ko nang makarinig ako ng busina ng kotse. Sino naman kayang sira-ulo na iyon ang naisipang mag-ingay talaga sa area namin? Nang bumaba ang tingin ko mula sa bintana patungo sa kalsada kung saan naroon ang istorbong sasakyan na kanina pa bumubusina, pakiramdam ko talaga parang tumigil sa pag-ikot ang mundo ko.

Isang ngiti lang naman ang kailangan ko, eh. Ngiting nanggaling sa kanya, ngiting magsasabi na tama lang ang ginawa kong paghihintay sa muling pagbabalik niya.

"You did it."

Yeah... I guess I did.

No comments:

Post a Comment