In Time


Ganoon ba talaga kapag nagmahal? Dumarating sa puntong hindi na nagiging sapat ang katapatan ng puso na kasamang inaalay sa taong pinaglalaanan mo niyon?

Sa tingin ko, dumating na ako sa puntong iyon. Ang pagkakataong hindi ko alam kung labis kong katatakutan, panghihinayangan, o... magbibigay sa akin ng pagluwag ng kalooban.

Magulo ang utak ko ngayon. Hindi ko alam kung dapat kong maramdaman iyon. Pero sa totoo lang, kailan nga ba hindi nagulo ang utak ko dahil sa kanya?

Seriously, all I could do was to chuckle bitterly.

The sound of door opening snapped me out of my musings. Approaching footsteps soon followed.

Dahil doon, alam kong papalapit na siya.

"At talagang dito mo pa naisipang mag-usap tayo, ha? Ano ba'ng meron at parang ang seryoso mo magmula kahapon, ha?"

Pero ako, heto at wala man lang reaksyon sa mga sinabi niya. Hindi ko na magawa.

Paano nga ba umabot sa ganito ang lahat?

"Uy! Magsalita ka naman."

Napatingin lang ako sa kanya. Hanggang doon lang ang nagawa ko. Napansin ko na unti-unting napalitan ng kaseryosohan ang nakangiting ekspresyon niya. Maybe she finally realized that everything that was about to happen would be something serious.

Pinilit kong alisin sa isipan ko ang anumang nagpapagulo roon. Kailangan, eh.

"May nangyari ba na hindi ko alam?"

Umiling lang ako. Or maybe I shouldn't have done that.

"Eh bakit ganyan ka? Napakaseryoso mo naman."

"Have you ever really loved me?" biglang nanulas sa mga labi ko na halata kong ipinagtaka niya base na rin sa pangungunot ng noo niya.

"Ano ba'ng problema mo at ganyan ka na lang kung makatanong sa akin?"

Hay... Hindi pa ba niya nahahalata?

Napangiti na lang ako nang mapakla. Ano pa nga ba ang inaasahan ko? Isa pa, kailan ba niya ako naintindihan?

"Walang problema. Ang gusto ko lang ay sagutin mo ang tanong ko."

"Magiging tayo ba kung hindi kita mahal?"

Bakit ba lagi na lang tanong ang nagiging tugon niya sa mga sinasabi ko? Hindi ba puwedeng sagutin iyon nang diretsahan?

Oo, kataka-taka na bigla ko na lang naitanong iyon sa kanya. Pero gaya nga ng sabi ko, dumating na yata ako sa puntong hindi ko na magagawang ibigay pa ang hinihingi niya sa akin.

The day I chose to love her, I gave her my heart without questions. But each passing day, I came to realize that it wasn't really what she wanted from me. It wasn't enough.

Para na nga akong nasasakal sa mga demands niya sa akin. Not that she was treating me like a slave or anything. But somehow, the feeling that loving her would never be enough at all.

Hindi ko na siya kayang mahalin nang higit pa sa kaya kong ibigay.

"Naguguluhan na ako sa iyo, ah. May problema ba tayo? Ilang araw ka nang wala sa sarili mo."

Pinagmasdan ko lang siya. Pero sa pagmamasid na ginagawa ko, unti-unti lang akong nagkakaideya na hanggang dito na lang ang lahat.

"I'm leaving." Walang pasintabi. Diretsahan.

Pero sapat na iyon para matigilan siya habang matamang nakatingin sa akin.

"B-bakit naman?"

"Ipagpapatuloy ko ang pag-aaral ko sa Paris. Nagkaroon ako ng offer galing sa isa sa mga university doon. I'll be able to finally fulfill my dream."

"Pero paano ako? Paano tayo?" Nag-uumpisa na siyang umiyak.

Pero sa pagkakataong ito, kailangan kong magpakatatag. Tama na siguro ang mga panahong lagi ko na lang siyang pinagbibigyan. It was about time na sarili ko naman ang dapat kong pagtutuunan ng pansin.

I already gave her my heart. But at this point, my heart would never be enough for her. Higit pa roon ang kailangan niya mula sa akin. At iyon ang hindi ko na magagawang ibigay sa kanya.

"Ikaw? Ikaw lang ba ang dapat kong isipin? Eh kung ikaw kaya ang tanungin ko. Paano naman ako?" Gusto ko na talagang ipaintindi sa kanya ang lahat.

"Huwag mo namang gawin 'to, o. 'Di ba mahal mo ako? Kung ganoon, bakit mo ako iiwan?"

Heto na naman siya. Gagamitin na naman niya ang salitang 'mahal'. Hindi ko nga alam kung alam nga ba niya ang talagang kahulugan ng salitang iyon.

"I'm doing this for both of us."

"No, you're just doing this for yourself! Dahil kung para talaga sa ating dalawa ito, hindi mo iisiping iwan ako."

"At ano'ng gusto mo? Manatili lang sa tabi mo at mahalin ka na wala akong mapapala? I love you and I know you knew that. Pero sa totoo lang, hindi na yata sapat iyon sa iyo. You're demanding for more and I can't give you that."

Pareho kaming natahimik at ako naman at napahinga na lang nang malalim. I can't believe I said all that.

"I only asked you to stay by my side. Iyon naman ang hiniling ko sa iyo, 'di ba?"

"Hanggang kailan? Hanggang kailan mo ako gustong manatili sa tabi mo? May sarili rin akong buhay. Hindi lang sa iyo nakapokus ang mundo ko. At kung talagang mahal mo ako gaya ng sinasabi mo, magiging masaya ka sa akin kahit papaano sa daang pinili ko. I let you fly high and chase your dreams kahit na may pagkakataong binabalewala mo na ako. It's about time I chase my own dreams."

"At kapalit n'on ang pagsasakripisyo mo sa relationship natin?"

Gusto ko na talagang magwala. Ayaw pa rin ba niyang intindihin ang gusto kong mangyari?

"Ano'ng gusto mo? Ako lang ang umintindi? Ikaw lang ang dapat kong intindihin? Sa tingin mo ba, ako lang ang dapat na gumawa ng paraan para mag-survive ang relationship natin?"

"I'm doing my best, as well."

"You're doing your best as you sacrificed what was supposed to be for us. I stayed by your side as I ended up forgetting what's supposed to be for me. Ito na lang ang pagkakataon ko para hanapin ang sarili ko. For once, puwede bang 'yong gusto ko naman ang pagbigyan mo?"

Was I being selfish? Hindi naman siguro. Being greedy? Perhaps. But it wasn't like I'd end it like that between the two of us. That's why I told her what I was planning. She had to know.

Nasa sa kanya na lang iyon kung paano niya iintindihin iyon.

Silence surrounded us for a while. For once, the air was heavy and the atmosphere was quite tensed. Until...

"Have I... really become like that?" pabulong niyang tanong, dahilan upang mabaling ang atensiyon ko sa kanya.

Hinintay ko lang siyang magsalita ulit.

"I guess I became the worst, have I? Kinalimutan mo na dapat, dalawang tao ang gumagawa ng paraan para mag-work out ang isang relationship. I became selfish to actually ask you to remain by my side. Hindi lang naman sa akin umiikot ang mundo mo."

Does this mean... naiintindihan na niya ako?

Napansin ko ang pagluha niya na agad din niyang pinahid. Siguro ayaw niyang ipakita sa akin iyon... or not.

"I'm sorry..."

Umiling siya. "Don't be. In fact, I'm thankful. You're a good man. Hindi nga ako nagkamaling mahalin ka. But you know, you should've told me all that noon pa. Para naman maaga akong nagising sa katotohanang nasasaktan na pala kita nang 'di ko namamalayan dahil sa pagiging selfish ko."

"It all just came out, I guess. A surge of emotions." Na hindi naman dapat sa akin. "You're angry, aren't you?"

"Para namang maide-deny ko 'yon. But I have to understand the situation. I already began chasing my dreams." Hinarap niya ako, pilit ang ngiting ipinapakita niya sa akin. "It's about time you chase yours."

Hindi pa rin ako makapagsalita. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang dapat kong sabihin. Parang ang bilis ng mga pangyayari.

"And as you do so, let's not say goodbye. Ayoko kasing marinig iyon sa iyo, eh." This time, her voice was cracking.

"Kapag nagkita tayo ulit at ganoon pa rin ang nararamdaman natin sa isa't isa, then..."

"Don't say it. Hayaan na lang natin ang tadhana na magtakda ng lahat sa muli nating pagkikita. Then we'll decide what to do by then."

We held each other much longer than expected. But this time, the heaviness I felt slowly faded. But then I knew this moment would never happen again... at least for a long while.

She would still have my heart-- at least I was sure of that. It would only be time and fate's decision if I would eventually end up staying by her side for good and if she was truly worthy enough to her not just my heart, but also my soul.

No comments:

Post a Comment