Hope From Love's Memories - Chapter 4


 In that corner, the two of us remain standing without knowing the right answer… — Miss You, AAA

xxxxxx


Kahit na gustong matulala at manatiling hindi makapaniwala ni Francis, pinilit niya ang sarili na huwag patagalin iyon. Hindi niya gustong mapahiya sa babaeng nasa harap niya ng mga sandaling iyon. Lalo pa't alam niyang hindi maganda ang pakiramdam nito.


Pero sino ba naman ang mag-aakala na makikita niya sa totoong buhay ang babaeng nakita niyang namatay sa pangitain niya? And to think he would meet her at the time he decided to go out to clear his mind after a long while.


Siya kasi ang tipo ng nilalang na mas gustong manatili sa kuwarto kaysa ang magpunta sa kung saan. Maliban na lang kung talagang kinakailangan niyang lumabas, tulad na lang ng mga labang kailangan niyang harapin na may kinalaman ang mga Agorions. At mula nga ng magtungo sila sa Human Realm, idinagdag na rin nilang mga Osmerth Guardians ang pagtulong sa laban ng mga Power Casters sa mga Draohins.


"Are you sure you're okay?" tanong niya sa babaeng kaharap niya ng mga sandaling iyon.


Pero wala itong naging tugon. Patuloy lang itong nakatitig sa kanya na para bang hindi ito makapaniwala sa nakikita nito. Then again… this was the first time that they've actually crossed paths, right?


"Meron bang kung ano sa mukha ko at ganyan ka makatingin sa akin ngayon?"


Sa totoo lang, wala sa ugali ni Francis ang magbiro, lalo pa't ganitong magulo ang takbo ng kanyang isipan. Pero hindi niya napigilan sa dahilang hindi na rin niya maiwasang mailang sa matamang pagtitig ng babaeng ito sa kanya.


"S-sorry…" tanging nasabi nito at saka nagbaba ng tingin.


'Thank goodness she stopped looking at me. Parang hindi ako makahinga nang maayos sa titig niya, ah.' It was the truth.


May kung ano sa titig na iyon ng babaeng kaharap para makaramdam siya ng 'di maipaliwanag na pagbilis ng tibok ng kanyang puso. But for some reason, he couldn't help feeling that… this wasn't the first time he felt like this.


Would that be even possible?


"Hindi yata maganda ang pakiramdam mo, ah," pagsisimula na lang ni Francis para lang maialis ang isipan sa kakaibang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Huminga na lang siya ng malalim bago nilapitan ang babae.


"Hindi ko nga maintindihan kung bakit, eh. This doesn't usually happen often."


"What do you mean?" hindi niya napigilang pangunutan ng noo sa narinig.


Pero isang malalim na buntong-hininga lang ang naging tugon nito. Gustuhin man niyang tanungin pa ito para klaruhin ang nais nitong sabihin, ang pag-ring ng cellphone niya ang pumigil sa kanya.


Lalong kumunot ang noo niya nang makita ang pangalan ni Alexander na nagpa-flash sa screen.


‘Now that’s rare. Ano’ng meron at naisipan akong tawagan nito ngayon?’ Nagtataka man, pinili niyang sagutin ang tawag na iyon. “Hello?”


“Francis, alam mo ba kung saan nagpunta si Stephen?” bungad ng kaibigan sa kabilang linya.


“Hindi. Teka, bakit ganyan ang tono mo? May nangyari ba?” Hindi gusto ni Francis ang naramdamang kaba sa boses ni Alexander.


Ilang sandali pa ay narinig niya ang malalim na buntong-hininga nito sa kabilang linya. “Mukhang may pinaplanong malaki ang lalaking iyon, eh. He only said that he had to do something important and then he left. Wala siyang sinabi kung saan siya pupunta.”


Now that was strange. Hindi ganoong masikreto si Stephen, maliban na lang kung talagang mahalaga ang dapat nitong gawin o ‘di kaya ay masyadong personal ang kailangan nitong asikasuhin.


Pero hindi alam ni Francis ang dahilan kung bakit ng mga sandaling iyon, ang paggamit sa ikalawang kakayahan ni Stephen ang naiisip niyang mahalagang bagay na kailangan nitong gawin.


‘But that’s crazy! He already used that skill twice this year!’ At alam niyang hanggang doon lang ang limitasyon ng kakayahang iyon ni Stephen. Any more of that could potentially harm Stephen’s body. Ano naman kaya ang pumasok sa utak ng lalaking iyon at naisipan nitong gawin ang delikadong bagay na iyon.


Si Francis naman ngayon ang huminga ng malalim para mapakalma ang sarili. Walang mangyayaring maganda kung magpa-panic siya.


“Alex, you stay there in the mansion. Ako na ang bahalang maghanap kay Stephen dito. Tutal, nandito na rin lang ako sa labas,” aniya makalipas ang ilang sandaling pag-iisip ng gagawin.


“Sigurado ka?” Tila nag-aalangan pa si Alexander.


“Mabuti nang may magbantay riyan at mag-abang kung sakaling may mangyaring hindi maganda rito. Sasabihan na lang kita kung ano man ang mangyayari.”


sapat na iyon para pumayag ang kaibigan. Matapos putulin ang tawag ay agad na napalingon si Francis sa bench kung saan iniwan niya ang babaeng kanina lang ay kausap niya.


Pero ganoon na lang ang pagkunot ng kanyang noo at ang paglukob ng matinding pag-aalala nang makitang wala na ito roon. Ilang sandali rin niyang inilibot ang tingin sa paligid pero wala siyang nakitang anumang senyales na naroon pa rin ang misteryosong babae.


“Where did she go?” For some reason, his heart felt heavy upon asking that question to himself. Gusto na lang niyang isipin na may dahilan ito kung bakit umalis ang dalaga na hindi man lang nagpapaalam sa kanya.


Maraming puwedeng dahilan at hanggang haka-haka na lang ang maiisip niya sa mga sandaling iyon. Pero may ibang bagay pa siyang dapat na pagtuunan ng pansin. Saka na niya bibigyang atensyon ang sariling problema kapag muli silang nagkita ng babae sa kanyang pangitain.


‘Iyon ay kung magkikita pa nga ba kami…’ Then again, he didn’t like the thought of not seeing that woman again after this. Wala naman sigurong masama kung maging optimistic siya pagdating sa bagay na iyon, ‘di ba?


Iyon ay kahit hindi niya maintindihan sa kanyang sarili kung bakit ganoon na lang ang pag-aasam niyang makitang muli ang babae.

No comments:

Post a Comment