Hope From Love's Memories - Chapter 3


 If my wish will be given a chance to be fulfilled, will that help me find my way to you?  — Florence Joyce

xxxxxx


Wala ngang training ng araw na iyon si Ilsie, pero hindi pa rin siya pinatahimik ng mga 'di maipaliwanag na mga panaginip. Ang resulta, hindi na naman siya nakatulog ng maayos. Kaya hindi na nakapagtataka kung hindi na naman maganda ang mood niya dahil doon.


Then again, it wasn't like she could actually put a stop to it, considering that she'd been dealing with that for 15 years now. Ang tanging magagawa na lang niya para matakasan iyon ay ang hanapin ang sagot kung bakit hanggang sa mga sandaling iyon ay patuloy pa rin siyang pinagpapakitaan ni Elysriel sa mga panaginip.


Nakikita niya ito roon, pati na rin ang Guardian na sa pagkakaalala niya ay Francis ang pangalan. Though she was aware na may Osmerth Guardian sa Human Realm na ganoon ang pangalan ayon kay Stephen, hindi siya sigurado kung ang Francis na nasa panaginip niya at ang kaibigan ni Stephen ay iisa.


At this point, she had no way of knowing.


"Wait a minute… How did I get here?" Iyon na lang ang naibulong ni Ilsie nang sa wakas ay napansin na niya kung nasaan siya ng mga sandaling iyon.


Why in the world did her feet lead her to the park's fountain area? Sa pagkakatanda niya, hindi iyon ang nais niyang puntahan nang magdesisyon siyang lumabas ng bahay para mag-isip. Pero mahalaga pa ba iyon? Kailangan niyang klaruhin ang takbo ng isipan niya ng mga sandaling iyon. Kaya hindi na siguro niya pagtuunan ng pansin kung hindi man ang fountain area ang unang nasa isip niya na puntahan.


"Ano ba 'tong ginagawa ko ngayon?" tanging naitanong ni Ilsie habang inililibot ang tingin sa paligid.


There wasn't anything strange around her, at least she could tell that much. Pero ilang sandali pa ang lumipas bago kumunot ang noo niya. Kung wala siyang makitang kakaiba sa paligid niya, ano itong nararamdaman niya? Her heart wouldn't stop beating so fast — both from sensing something strange and then there was a sense of danger.


Oo, dalawang bagay ang nararamdaman niya. At sa totoo lang, hindi niya alam kung para saan iyon.


Muli siyang napatingin sa paligid habang pilit na pinapakalma ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Pero sa ginawa niyang iyon, hindi niya maintindihan kung bakit bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo. And it also appeared that she wanted to throw up, as well.


"Damn it! Bakit naman ganito ang nararamdaman ko ngayon?" Sa totoo lang, hindi siya sakiting tao. So this was a rare case for her.


Kaya naman bago pa siya tuluyang mahilo, nagawa na niyang makaupo sa isa sa mga bakanteng benches na nakapaligid sa fountain.


'This is not good…' Tanging naisip na lang ni Ilsie habang patuloy pa ring pinakakalma ang sarili, lalo na ang mabilis pa ring pagtibok ng puso niya.


Ilang sandali rin siyang nakaupo lang doon at nakayuko ang ulo habang nakapikit. Bagaman unti-unti nang nawawala ang nararamdamang pagkahilo, hindi pa rin maganda ang pakiramdam niya. And this time, she could determine the reason why.


There was something evil lurking around. Hindi man malapit sa kanya, pero alam niyang nasa paligid lang at may minamanmanan.


'Is it Agorion? Or Draohin? Then again, halos pareho lang naman ang dark energy na nagsisilbing power source ng dalawang lahing iyon.'


Hindi man siya madalas isinasalang sa mga active combat missions tulad ng Kuya Jethro niya, hindi naman nangangahulugan na hindi siya pamilyar sa mga kinakalaban nila. At maging sa mga nagtatangkang lumaban sa kanila.


Ang nakakapagtaka lang, bakit masyado naman yata siyang naaapektuhan ng dark energy na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon? Hindi naman niya masasabing dahil iyon sa hangin na tumutulong sa kanya para maramdaman ang nakaambang panganib na iyon.


"Are you okay, miss? Kailangan mo ba ng tulong?"


Bagaman hindi inaasahan ni Ilsie iyon, pinilit niyang umakto ng normal. Lalo na nang marinig ang tila pamilyar na pag-aalala sa tinig ng lalaking ng mga sandaling iyon ay ilang hakbang lang ang layo sa kanya.


"Uh… Yeah, I'm okay. Nakaramdam lang ako ng pagkahilo," aniya bilang tugon bago tuluyang nag-angat ng tingin para harapin ang lalaking iyon na lumapit sa kanya.


Pero ganoon na lang ang paglaki ng kanyang mga mata nang tuluyang tumambad sa kanya ang guwapong itsura ng lalaki. But it wasn't just because of his surreal features that shocked her at the moment.


Iyon ay dahil pamilyar sa kanya ang guwapong mukhang iyon.


'Wait… Could this be him? The Guardian Francis na laging ipinapakita sa akin ni Elysriel?'


Teka lang! Totoo ba ito? How did this happen?


"Are you sure you're okay?" muling tanong ng lalaki sa kanya.


Pero wala nang anumang sagot ang lumabas sa bibig niya. Madali lang naman kung tutuusin ang sagot sa tanong nitong iyon. Kaya lang, para siyang naengkanto dahil lang sa tumambad sa kanya ng mga sandaling iyon.


Sino ang mag-aakala na magtatagpo sila ng lalaking tanging pangalan at itsura lang ang alam niya pero tila kilala na ng kanyang isip at puso?


Next >>

No comments:

Post a Comment