Hope From Love's Memories - Chapter 2


Don't lament about the destiny we were born with, because we are all free… —  Akuma No Ko (Devil's Child), Higuchi Ai

xxxxxx


IT WASN’T everyday that Francis would stare intently at the fountain outside the mansion where he and two other Guardians like him lived. Isang abandonadong property iyon noong unang beses nilang makita iyon 20 years ago. But for him, Stephen, and Alexander, it was a perfect place for them to be left alone to do their own business.


A place where no one would ever dare to approach and also a place where they could freely cast their powers if the need arose.


At hindi nga sila nagkamali. Sa tagal na nilang naninirahan doon ay iilan lang ang nangahas na magpunta roon at gambalain sila. Maliban sa ilang piling tao na pinapayagan nilang pumasok sa mansyon na iyon, wala nang iba pang nagpupunta sa lugar na iyon.

And at the moment, Francis had truly appreciated that peace as he continued staring at the water from the fountain. Pero sa likod ng seryosong titig na iyon na iginagawad niya sa tubig na naroon, kung saan-saan naman lumilipad ang utak niya dahil sa mga imaheng rumaragasa sa kanyang isipan.


He had that urge to intently look at the water since he woke up. To be honest, it was a rare thing for him to feel. Pero hindi na lang niya kinuwestiyon iyon. He knew that there was something important that he had to see.


At iyon ang kailangan niyang pagtuunan ng pansin.


“What in the world was that?” Iyon lang ang naiusal ni Francis nang matapos na ang pagragasa ng mga imahe sa kanyang isipan. Napahawak siya sa kanyang ulo dahil doon.


Agad na bumukas ang pinto sa study room kung nasaan siya ng mga sandaling iyon. Iyon ang naabutang eksena ng dalawang lalaking pumasok doon.


"Okay ka lang, Francis?"


Nag-angat lang ng tingin si Francis nang marinig ang tanong na iyon ng kaibigang si Alexander. Habang si Stephen naman ay tinulungan lang siyang makaupo sa mahabang sofa na naroon sa silid na iyon.


"Ano na naman ba ang nakita mo, ha? Bihira lang namang sumakit nang ganyan ang ulo mo kapag may ipinapakita sa 'yo ang tubig, ah," sabi naman ni Stephen bago siya inabutan nito ng isang basong tubig.


Ilang sandali muna ang pinalipas ni Francis para maihanda ang sarili bago huminga ng malalim at harapin ang mga kaibigan niya.


"The water made me see death," umpisa niya, hindi nawawala ang seryosong ekspresyon sa kanyang mukha.


Siyempre pa, inasahan na niya ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha nina Alexander at Stephen sa sinabi niyang iyon. Then again, who wouldn't be? It was rare that he would see a death vision, anyway. At kapag nakakakita siya ng mga pangitaing may kinalaman sa kamatayan, alam niyang may mali na.


"Sino ba ang nakita mong namatay? Kilala mo ba?" This time, si Alexander na ang nagtanong niyon.


Hinarap niya ito, sigurado siya na bakas ang pagkalito sa mukha niya. "Hindi ko siya kilala. I don't think we've even crossed paths at all, now that I think about it. But I do know that she's a Power Caster, just like Jethro."


Ang tinutukoy niya ay ang Fire Power Caster mula sa Treharne clan na paminsan-minsan ay tinutulungan sila sa pakikipaglaban nila sa mga Agorion na nagtatangkang manghimasok at manggulo sa Human Realm. Ganoon din sa mga Draohins na kalaban naman ng mga Power Casters na paminsan-minsan ay nakikipagsanib-puwersa sa mga Agorion para gumawa ng gulo.


"Are there any specific details about that person?"


"And you said 'she'. Babae ang nakita mo?"


Tumango si Francis bago bumuntong-hininga. "Iyon nga ang ikinagulat ko, eh. This girl was bleeding too much on her stomach. She was holding a longbow and… her body was leaning against a large tree trunk. And there was even a sword stabbed on her left leg."


"Woah! Ang brutal naman n'on," hindi na napigilang komento ni Stephen. Si Alexander naman ay napangiwi na lang habang nakikinig sa ikinukuwento niya.


"What else did you see about this girl in your vision?"


Doon na siya napaisip pa nang husto. He needed to recall as many distinct details about the vision as he could. Ilang sandali rin ang lumipas bago niya nasagot ang tanong na iyon ng kanyang kaibigan.


"Wind… Something tells me that this girl is a wind arts practitioner. And if I were to base it on the longbow that she was gripping tight in that vision, I can only assume na isa rin siyang proficient archer."


"Ang dami namang ganoon kahit dito sa Human Realm. And it's not just the Power Casters. Pero nabanggit mo na kanina na isa siyang Power Caster, 'di ba?"


Once again, Francis nodded. "And I can at least discern that she's a skilled one, too."


"A skilled Wind Power Caster proficient in archery… at babae siya…" usal ni Stephen na para bang nag-iisip. Ilang sandali pa ay napatingin ito sa kanya. "Out of all the current generation of Wind Power Casters, iisa lang sa kanila ang aakma sa description na sinasabi mo."


"So that girl actually exists?" hindi makapaniwalang tanong niya. Sino ang mag-aakala na narito sa Human Realm ang nakita niya sa pangitaing iyon?


"Pero bakit siya? Parang ang labo naman yata na mangyari iyon sa kanya."


"Hindi iyon malabo kung ikokonsidera natin ang klase ng daang tinahak niya. Even her brother was aware of that kind of danger possibly happening not just to her, but to the rest of the active Power Casters, as well," tugon ni Stephen at saks ito huminga ng malalim. Bakas din sa mukha nito ang hindi pagkapaniwala.


Muling napakunot ng noo si Francis sa napansing pag-aalala sa tinig ni Alexander. "Ano'ng ibig n'yong sabihin?"


"Kilala namin ang sinasabi mo, Francis. Dahil sa limang magagaling na Wind Power Casters ng henerasyon na 'to, iisa lang sa kanila ang babae. And it also happens that she's a proficient archer, gaya ng sa pangitain mo," paliwanag ni Stephen.


"Sigurado ka, Stephen?"


"Hindi kami puwedeng magkamali. Siya lang ang umakma sa pangitain mo. And that girl… happens to be Jethro's younger sister."


Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Paano nangyari iyon? Pero… iyon nga ba ang gustong ipahiwatig ng pangitain niya? "Are you serious?"


"Hindi ko maigagarantiya na siya nga ang nasa pangitain mo dahil ikaw lang naman ang nakakita n'on, eh. Pero… kung ganoon nga ang gustong ipahiwatig ng tubig sa 'yo…" Napailing na lang si Alexander bago mapasuklay ng buhok nito. "No… there has to be something else there…"


"May puwede pang magbago. Iyon na lang ang isipin natin. Karamihan naman sa mga nakikita ni Francis sa mga pangitain niya, mga warning sa atin," ani Stephen at saka tinapik ang balikat ni Alexander.


May puwede pa nga bang mabago sa mga nakita ni Francis? Could he still do something to prevent that possible tragedy from happening to that young woman?


Next >>

No comments:

Post a Comment