My Destiny From A Dream - Chapter 3


HIMALANG nawala ang pananakit ng ulo ni Elena nang makapasok na siya sa loob ng Isabella Cafe. Marahil ay sa namalas niyang gabi sa loob niyon.

Unang-una'y malaki ang lugar kaya naman hindi siksikan ang mga tao roon. And that cafe actually consisted of five floors.

Isa pa, kung marami mang tao ang magtungo roon, lahat ng mga ito ay maaasistahan ng kanilang mga tauhan.

And the atmosphere inside was like, wow! It could almost be considered as a paradise. Bawat floor kasi ng cafe ay may garden, garmented with both wild and ornamental plants and flowers.

There were also fountains inside, located in each floors.

Kaya naman hindi nakapagtatakang maraming tao ang nais na magtungo roon dahil sa ganda ng lugar. Isa pa'y relaxing din ang namamalas nilang itsura sa cafe.

Sa fifth floor siya nagtungo gamit ang elevator at sinaludo siya ng isang waiter at isang guard sa labas niyon.

Sinamahan siya ng waiter hanggang sa isang malapit sa glass window kung saan nakahanda na roon ang kanyang kakainin.

Matapos pasalamatan ang mga ito ay agad din itong umalis.

Nang matapos ang pagkain niya, ipinaligpit ni Elena ang mga ito at inutusan ang isang waitress na kumuha ng mga kalalabas lang na issues ng mga fashion magazine.

Habang hinihintay ang ipinauutos ay hindi sinasadyang mapadako ang tingin niya sa isang bahagi ng restaurant kung saan nakaupo ang isang lalaki at habang tinitingnan niya ito ay hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon niya.

Hindi niya alam kung dapat nga bang tanggapin ng kanyang utak ang nakikita.

Tama ba ang nakikita niya o bahagi lang ito ng kanyang panaginip?

Hindi naman matukoy ni Elena kung hallucination lang ang lahat dahil sa dami ng kinain niya. At sa dami ng mga tanong na pumapasok sa isipan niya ay hindi na niya namalayan ang pagdating ng inutusan niyang waitress dala ang tatlong magazines.

Nang makaalis na ito ay agad niyang pinasadahan ng basa ang unang magazine na hinawakan niya. Pero wala roon ang isipan niya kundi sa lalaking nakita niya.

Big deal sa kanya ang pagkakakita sa lalaking iyon dahil ito mismo ang lalaking nasa panaginip niya!

At gusto niyang kumpirmahin kung totoo ba ang nakita niya kaya naman muli siyang tumingin sa table na kinauupuan ng lalaki. Pero laking gulat niya nang makita itong titig na titig sa kanya.

For a while, hindi na niya malaman kung ano ang gagawin niya. It seemed that his eyes were like magnets at hindi na niya maialis ang tingin niya rito.

Nagtagal ng ilang sandali ang pagkakatitig niya rito bago tuluyang nagbawi ng tingin.

Habang nakatutok sa magazine ang kanyang paningin ay isang bagay na ang nasiguro niya.

Hindi ito isang panaginip o hallucination lang. That guy was for real!

xxxxxx

HINDI maintindihan ni Aries kung bakit ganoon na lang kung makatitig sa kanya ang babaeng nakaupo sa dulo na malapit sa bintana.

Parang nakakita ito ng multo. Gustong kumpirmahin kung totoo ba siya o panaginip lang.

Sa kabilang banda, hindi naman niya makuhang mainis o magalit sa ipinapakitang iyon ng babae sa kanya. Sa katunayan ay natuwa pa siya.

Pero talagang ipinagtaka niya ang naging reaksyon nito nang makita siya. Para bang nakita na siya nito sa kung saan at pilit na lamang nitong inaalala.

Sa totoo lang, pagpasok pa lang nito sa floor na iyon ay agad na nitong nakuha ang atensyon ni Aries. Kaya lang, hindi siya kaagad napansin nito dahil sa medyo tagong bahagi siya ng lugar na iyon nakapuwesto.

Minsan lang makuha ng isang babae ang kanyang atensyon. Iyon ay dahil sa trauma na sinapit niya nang maghiwalay ang kanyang mga magulang at ipinagpalit ng kanyang ina sa ibang lalaki ang kanyang ama.

Sampung taong gulang na siya nang mangyari ang bagay na iyon.

Kaya naman tumatak sa kanyang isipan na ang mga babae ay hindi makuntento sa isa. Although hindi naman niya ipinupunto sa lahat ng mga babae ang pananaw niyang iyon, hindi na maaalis sa kanyang utak ang isiping iyon hanggang hindi pa niya natatagpuan ang babaeng siya lang ang tanging mamahalin nito.

Nang muli niyang sulyapan ang babaeng tumitingin sa kanya, nakatutok na ang mga mata nito sa magazine na binabasa.

Ano kaya kung magpakilala ako sa kanya? Hindi naman siguro masama kung gagawin ko iyon. Isa pa, mukha naman siyang mabait, napapangiting saisip niya.

At nang makakuha ng sapat na lakas ng loob ay agad siyang tumayo upang lapitan ang babae. Subalit habang papalapit siya rito, hindi niya mapigilan ang malakas na tahip ng kanyang dibdib. At the same time ay nanlalamig din ang kamay niya.

Pero pilit pa rin niyang pinalalakas ang loob niya nang makalapit na siya nang tuluyan dito.

"Hi!"

xxxxxx

BIGLANG nag-angat ng mukha si Elena nang may marinig siyang bumati sa kanya. At nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niyang nakatayo na sa kanyang harapan ang lalaking hindi niya akalaing nag-e-exist pala sa tunay na buhay.

Nakangiti ito sa kanya habang nagniningning ang kislap ng mga mata nito.

Guwapo ito sa panaginip niya. Subalit hindi namam niya inakalang mas guwapo pala ito sa personal at sa malapitan.

"Miss, are you okay?" untag nito sa kanya.

Saka lang siya natauhan at napapahiyang nagbaba ng tingin.

"Y-yeah. I-I'm sorry," tanging nasabi niya.

Hindi niya ito matingnan nang diretso at isa pa, alam niyang nagba-blush siya.

"It's okay. Anyway, gusto ko sanang makipagkilala sa 'yo." Saka ito naupo sa upuang kaharap niya.

"B-bakit mo naman ako gustong makilala?"

"I saw you looking at me and I was wondering kung bakit mo ginagawa iyon."

Lalong nawalan ng lakas ng loob si Elena na harapin ang lalaki dahil sa sinabi nito.

Ano ba naman ito? Nakakahiya! Baka akala ng lalaking ito, eh pinagpapantasyahan ko siya.

"S-sorry talaga. May rason kasi kung bakit ko nagawa iyon."

"Talaga? Ano naman ang rason na 'yon?"

Dito siya biglang nagtaas ng tingin at agad na nagtama ang mga mata nila ng lalaki.

Gusto sana niyang sabihin dito na nakikita niya ito sa kanyang panaginip sa loob ng apat na taon. Pero paniwalaan naman kaya siya nito?

Kaya agad ding naglaho ang kagustuhan niyang sabihin ang tungkol sa panaginip?

"I-it's too personal. I-I'm sorry I can't tell you that."

Napatango na lamang ang lalaki.

"I understand. Anyway, my name's Aries. Aries Valencia." At agad nitong inilahad ang kamay sa kanyang harapan. "And may I know your name?"

"My name's Elena," aniya at nakipagkamay sa lalaki.

Nakaramdam siya ng pagbilis ng tibok ng kanyang puso eksaktong nagkadaiti ang mga palad nila ni Aries. Kasabay niyon ay ang eratikong pagtibok ng kanyang puso.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nararamdaman niya ang panlalamig ng kanyang kamay habang tumatagal ang pagkakahawak ng lalaki sa kamay niya. At hindi na niya matagal ang mga nararamdamang iyon.

"Ah, ang kamay ko, Aries."

Saka lang mukhang natauhan ang lalaki at dahan-dahan nitong binitiwan ang kanyang kamay.

"Pasensya ka na. Nadala lang kasi ako. Anyway, ngayon lang yata kita nakita rito. Ngayon ka lang ba nagpunta rito?"

Umiling siya. "Not really. Ang totoo niyan, isa ako sa mga may-ari ng restaurant na ito."

"Really? Teka nga pala. Ang given name mo lang ang nasabi mo sa akin kanina. Ano ba ang apelyido mo?"

"Dela Vega. Kabilang ako sa angkan ng mga dela Vega."

"So are you related to Joel dela Vega?"

"Yes. The truth is, he's my brother."

"Talaga?"

"Kilala mo siya?"

"Yes. Ang totoo niyan, ipinakilala siya sa akin ng matalik kong kaibigan thirteen years ago. But I never had a chance to get to know him well."

"Ganoon ba?"

Nagtagal ang kuwentuhan nilang dalawa ni Aries. At alam ni Elena na hindi nga panaginip ang lalaking kaharap. Nakikita na niya ang lalaki na laging nakangiti sa kanya at kinakausap siya.

Hindi na niya nakikita ang paghihirap nito habang sapo nito ang tagiliran na may sugat. Hindi na niya naririnig ang paghingi nito ng tulong sa kanya.

Ang tanging naririnig niya ay ang mahinang halakhak nito kapag may mga ikinukuwento itong nakakatawa. Because the truth was, Aries had a good sense of humor.

Pero dahil lumilipad ang utak niya sa kung saan, hindi na niya namamalayang kanina pa siya tinatawag ni Aries.

"Elena?" untag nito sa kanya.

Napapitlag pa siya nang bigla siyang kalabitin nito.

"H-ha? May sinasabi ka ba?"

"Wala naman. Kaya lang, napansin ko kasing wala ka sa sarili mo kanina. Are you okay?"

Tumango na lang siya. Hindi niya akalaing nawala siya sa kanyang sarili sa harap pa man din ni Aries. Hanggang ngayon ay hindi pa rin natitigil ang panginginig ng mga kamay niya na hindi niya alam kung ano ang dahilan.

Kaya naman bahagya pa siyang nagulat nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Nang tingnan niya iyon ay nagtaka siya nang makitang mag-register ang pangalan ni Joel sa screen at tumatawag sa kanya.

Nakahinga siya nang maluwag nang makakita siya ng dahilan para takasan ang presensiya ni Aries.

"Would you mind if I go to the restroom? Kailangan ko lang itong sagutin, eh."

"Sure, no problem."

"Thanks." At agad siyang nagtungo sa restroom para sagutin ang tawag ng kapatid.

Bakit napatawag sa akin si Kuya? tanong ni Elena sa sarili nang maitapat sa tainga ang cellphone.

"O, Kuya. Napatawag ka? May problema ba?"

"Wala naman. Kaya lang, gusto sana kitang sabihin na kailangan mong umuwi nang maaga mamaya. May importanteng ibabalita raw sa atin si Alexis. Believe me, he's dead serious."

"Talaga? Ano naman kaya iyon?" Pero sa totoo lang, parang alam na niya ang ibabalita sa kanila ni Alexis mamaya.

"Who knows? Pero sinabi niya sa akin na dalawa ang ibabalita niya sa atin na napakahalaga."

"Dalawa?" nangunot ang noong tanong niya.

"Yeah. Whatever it is, siguradong napakaimportante. Anyway, anong oras ka ba makakauwi mamaya?"

"Umm... Itse-check ko muna ang schedule ko at kung wala naman akong masyadong gagawin, then I guess I'll be home by five."

"Okay. I'll see you later, then."

"Sure. Bye."

"Bye. Ingat ka, ha?"

"Don't worry, I will. Ikaw rin."

xxxxxx

PAGBALIK ni Elena sa table niya ay wala na roon si Aries pero nag-iwan ito ng isang note sa ibabaw ng kanyang upuan. Kinuha niya iyon at agad na binasa.

I'm sorry kung hindi na ako nakapagpaalam sa iyo. Kailangan ko na kasing umalis, eh. May dapat pa akong asikasuhin. But it was really nice for me to meet you. And I know na hindi pa ito ang huli nating pagkikita. Kung sakaling gusto mo akong tawagan, nasa likod lang nito ang number ko.

Gustong manghinayang ni Elena sa nabasa pero sigurado na nga ang kanyang puso na hindi hallucination ang lahat ng nangyari sa kanya ngayon. At nararamdaman din ng kanyang puso na muli pa silang magkikita ni Aries.

Kung kailan man iyon, hindi niya alam. Panahon na lang ang makapagsasabi kung kailan magaganap ang bagay na iyon.

No comments:

Post a Comment