My Destiny From A Dream - Chapter 4


You know, I've been dreaming of finding this missing piece. And to this day, I'm searching harder than ever and I think I've found it... ~Mata Kimi To (With You Again), JAY'ED ft. Ms. OOJA

xxxxxx

AGAD namang natapos ni Elena ang natitira pa niyang trabaho at dahil wala naman siyang masyadong appointments, nakauwi naman siya nang maaga gaya ng nasabi niya kay Joel.

Habang binabagtas niya ang daan pauwi sa ancestral house ay hindi niya maiwasang mapangiti dahil sa mga nangyari na kanina lang niya natuklasan.

Unang-una na rito ang kasalang magaganap sa pagitan nina Alexis at ng kapatid niyang si Angela. Hindi na siya nagtaka na ang dalawa ang nagkatuluyan. Kunsabagay, matagal naman na niyang napapansin ang kilos ng dalawang iyon kapag magkaharap. At hindi lang siya ang nakakapansin niyon.

My Destiny From A Dream - Chapter 3


HIMALANG nawala ang pananakit ng ulo ni Elena nang makapasok na siya sa loob ng Isabella Cafe. Marahil ay sa namalas niyang gabi sa loob niyon.

Unang-una'y malaki ang lugar kaya naman hindi siksikan ang mga tao roon. And that cafe actually consisted of five floors.

Isa pa, kung marami mang tao ang magtungo roon, lahat ng mga ito ay maaasistahan ng kanilang mga tauhan.

My Destiny From A Dream - Chapter 2


"ARIES, sino 'yong tumawag sa 'yo?"

"H-ha?" pabiglang napalingon si Aries sa taong nagsalita.

Nakalimutan na niyang may bisita pala siya.

"Sino 'yon? At bakit binulyawan mo?" tanong ni Alexis sa kanya.

My Destiny From A Dream - Chapter 1


"MA'AM Elena, may bisita po kayo na naghihintay sa labas. Si Ma'am Angela po," wika ng sekretarya niya mula sa intercom.

"Send her in, Kate."

"Sige po." Iyon lang at wala nang tumawag sa kanya.

Nagtataka siya kung bakit bigla-bigla naman yatang napasugod sa boutique niya ang kapatid. Dati-rati kasi ay hindi ito nagagawi sa boutique maliban na lang kung may kailangan talaga ito sa kanya.