Memories That Tortured Me

Hindi na maalala ni Mamoru kung pang-ilang beses na niyang bumuntong-huminga nang araw na iyon. It wasn't a habit. At least, sigurado siya sa bagay na iyon.

And yet...

"Huwag na huwag ka ngang sumimangot. Lalo kang nagmumukhang matanda sa ginagawa mo, eh..."

Just great. Heto na nga ba ang sinasabi niya. Maalala't maalala na naman niya ang mga sinabi nito sa kanya noon. He wasn't supposed to think of anything else other than the mission at hand.

Pero ano na naman itong nagpapagulo sa kanya ngayon?

"Death anniversary niya bukas. Wala ka man lang bang planong puntahan siya?"

Agad siyang napalingon sa pinagmulan niyon. Kumunot ang noo niya nang makita ang seryosong ekspresyon ng pinsang si Chrono.

"Kahit puntahan ko siya roon o hindi, walang magbabago. Hindi pa rin mawawala ang sakit na iniwan ng nangyari sa kanya sa poder ko," seryoso at mapait na saad ni Mamoru bago tumingin sa labas ng bintana ng kanyang silid.

At sa sinabing iyon ay muling sumagi sa kanyang isipan ang huling pangyaring pumunit sa kanyang puso. Isang pangyayaring patuloy na nagbigay sa kanya ng ilang bangungot na ayaw magpatulog sa kanya magpahanggang ngayon.

Chie...

"So ang ibig sabihin n'on, ipo-postpone mo na naman ang mga plano mo para sa kanya sa araw na iyon? Ganoon ba iyon?"

Kulang na lang talaga, gustong isipin ni Mamoru na may iba pang gustong sabihin sa kanya ang pinsan niyang ito kaya nagpapakasarkastiko na naman sa harap niya.

"You already avoided going to her grave for the past three years, Mamoru. Hanggang kailan mo ba planong pahirapan ang sarili mo, ha?"

"Hanggang masiguro kong hindi na mauulit ang mga nangyari noon. Hanggang sa magawa ko na talagang siguruhin na wala nang mawawalang mahalagang tao sa buhay ko kahit ganito kadelikado ang daang pinili ko."

Those words were spoken with conviction. At least, Chrono could tell that much. But being his cousin, something told the Iron Eagle that there was more to those words than just Mamoru's determination to prevent the past from repeating itself.

"Forgetting her doesn't seem to be the best option for you at the moment, huh?"

Biglang napatingin si Mamoru kay Chrono na alam niyang nagsabi niyon sa kanya. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"We're all stuck in the past, Mamoru. Whether you admit it or not. Lahat ng mga nawala sa atin ng gabing iyon, dahil sa mga demonyong iyon. Ang mga iyon ang patuloy na nagkukulong sa atin sa nakaraan."

Well, it wasn't like he didn't have to say anything about that. Iyon ay dahil may punto ito. Maging si Chrono ay nakatali pa rin sa nakaraan, bagaman magkaiba sila ng dahilan kung bakit ganoon ang sitwasyon nila.

"Thanks for the concern. Pero..."

Umiling si Chrono at saka bumuntong-hininga. "Pero hindi pupuwedeng ganito tayo habang-buhay, Mamoru. The princess was really trying to move on now from all of the shock that the event two years ago had given her. I think it's about time you do the same."

"Chrono..."

"Moving on doesn't have to mean that you're completely letting go. Alam kong magagawa mo lang pakawalan si Chie kapag naipaghiganti mo na siya nang tuluyan mula sa mga pumatay sa kanya." Iyon lang at agad nang umalis si Chrono sa silid na iyon habang si Mamoru ay naiwang walang matinong masabi sa pinsan.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Mamoru makalipas ang ilang sandaling pananahimik. Moving on, huh? Chrono said those words as he made it sound so simple.

Pero agad ding sumagi sa isip niya ang iba pang sinabi nito. Na ginagawa na rin Lady Kourin ang lahat para makapag-move on sa lahat ng mga nangyari rito. And if he were to observe it...

Lalo lang gumulo ang isip niya dahil doon. Naisipan niyang maupo sa swivel chair at itakip ang kanang braso sa kanyang mga mata. Pero muli na namang nagulo ang isip niya dahil doon.

Chie... Why do you still torture me like this? I know it was my fault why you died... But...

Umiling si Mamoru para lang mapawi ang anumang alaalang gugulo na naman sa kanya sa mga sandaling iyon. Tama nga siguro si Chrono. Magagawa niya lang pakawalan ang anumang alaalang meron siya tungkol kay Chie kapag naipaghiganti na niya ito nang tuluyan.

Pero hanggang kailan pa mananatiling ganoon ang sitwasyon?

"Moving on doesn't mean completely letting go... huh?" usal ni Mamoru at saka muling bumuntong-hininga. Nang magbukas siya ng mga mata niya, tumambad sa kanya ang nag-iisang picture frame na nasa mahogany table doon.

It contained the last photo of Chie that he took three and a half years ago. Nakangiti ito roon at naka-peace sign pa. He would've smiled at the sight of that. Pero 'di maipaliwanag na sakit lang ang idinulot niyon sa kanyang puso.

Paano kita mapapakawalan kung ganitong ayaw akong tantanan ng mga alaalang may kinalaman sa 'yo, Chie? It was a desperate thought, he must admit that.

Mukhang imposible pa sa ngayon na magawa niya ang gustong mangyari ng pinsan niya. Until those memories would continue torturing him for the mistake he made that made him lose the woman he vowed to be with and loved, moving on seemed to be a distant thing for him to reach.

At least, that was what Mamoru was thinking for now.

Ibig lang sabihin, magagawa na nga lang niyang pakawalan ang lahat kapag naisagawa na nilang lahat ang pinakamalaking misyon ng Shrouded Flowers--at iyon ay ang tapusin ang Dark Rose Agency nang tuluyan.

xxxxxx

Writer's note: The story about Mamoru's fiancee is tackled in the 2nd volume of "The Last Sky Of The Earth" titled "The Search For The Ethereal Sky". Naisip ko lang na dito na i-post ang mga one-shots na maiisip ko tungkol sa ibang Knights na hindi ko gustong ilagay sa Wattpad.

No comments:

Post a Comment