As Long As Faith Exists

 


This was a crazy decision for Kayla. But she could care less at this point. Wala na siyang gustong pakinggan. Wala na siyang papayagang pumigil pa sa kanya. Ang kailangan lang niyang gawin ay panindigan ang nagapdesisyunan na niya.

"Kayla, wait!"

Pero hindi niya pinakinggan iyon. Hindi siya nagpapigil at nagpatuloy lang sa pagtakbo patungo sa isang lugar na alam niyang magagamit niya para maisagawa ang ipinaplano niya. But it seemed that this person chasing after her wasn't really going to let her go just like that. Nararamdaman niya na patuloy itong nakasunod sa kanya.

Siyempre pa, ikinainis niya iyon. Pero nagpatuloy lang siya sa pagtakbo. Kaunting distansya na lang ang kailangan niyang takbuhin para makarating sa pakay niyang lugar.

Ang pinakamalaking magkambal na mga puno ng acacia sa bayan ng Sagovarre.

And now she knew — it was the portal that the Guardians like Ianro had used to get to her world.

Oo, alam na ni Kayla noon pa man, noong unang beses pa lang silang nagkakilala ni Ianro, na hindi ito isang ordinaryong nilalang. She had long heard of legends about these Guardians from another world na paminsan-minsang nagtutungo sa Human Realm mula sa kanyang Lola Matilda. But it was a legend that could only be passed on to chosen people. Normally, a boy and a girl in the family.

Only them.

In this case, it was her and her twin brother Jethro.

Iyon ang lalaking kanina pa niya naririnig na humahabol sa kanya mula nang umalis siya sa bahay kahit na pinipigilan na siya ng mga magulang. It was her twin brother.

Moments later, Kayla finally reached the place. Hindi niya mapigilang huminga nang malalim nang tumambad sa kanya ang magkambal na puno ng acacia sa gitna ng bakanteng lote. The place was a private property, and she knew she was already trespassing. Pero sa mga sandaling iyon, wala na siyang pakialam.

She had to do something to communicate with Ianro in some way. Hindi nga lang siya sigurado kung paano niya gagawin iyon.

"Kayla! Please stop running away for now, okay?" narinig niyang sigaw ni Jethro bago ito tuluyang lumapit sa kanya.

Wala na siyang nagawa kundi ang bumuntong-hininga nang tumigil na siya sa ilalim ng kambal na puno ng acacia. Hindi niya gustong harapin ito.

"Kayla..."

"Bakit hindi nila ako maintindihan? Wala namang masama sa gusto kong gawin, ah. Gusto ko lang naman siyang makita, eh," hindi na niya napigilang ilabas ang hinaing niyang iyon. Not that she cared about her twin brother's comment after that. Pero gusto lang talaga niyang ilabas iyon.

"Talagang wala silang maiintindihan, Kayla. Hindi naman sila ang nakakita ng totoong sitwasyon ng mga Seohae Guardians, eh. Tayong dalawa lang ang nakakaalam ng totoo. Pero hindi naman nangangahulugan na sisirain mo na lang nang basta-basta ang posibleng portal na makita mo para lang makagawa ka ng entrance na kailangan mo. You know fully well that recklessly severing random portals could destroy any possible linking ones to this world. Posible ring masira mo ang nag-iisang daan nina Ianro at Elian kapag nagpadalos-dalos ka."

Hindi na nagawang makatugon ni Kayla sa mahabang paliwanag at litanya ni Jethro sa kanya. May punto naman ito, lalo na't alam nito ang kakayahan niya bilang isa sa mga pinili. Her ability to cut through portals could jeopardize a lot around her.

At tama si Jethro. Posibleng masira niya ang nag-iisang daan na magagamit ni Ianro para bumalik sa mundo ng mga tao. Hindi niya gustong maglaho ang nag-iisang pagkakataon na maaari niyang panghawakan para muling makasama ang lalaking talaga namang mahalaga sa kanya.

"Kahit magsalita ang mga kamag-anak natin tungkol sa mga kontribusyong makukuha natin sa mga Guardians, wala silang mahihita sa kahit na sino sa ating dalawa. Si Helion na rin ang nagsabi," pagpapatuloy ni Jethro, dahilan upang mapatingin siya rito.

"Ano naman ang sinabi ni Helion sa 'yo?"

"Just some stuff that he could do in case our rather ignorant relatives would do something crazy."

Hindi na kailangang itanong ni Kayla kung ano ang sagot doon. Maging siya ay alam ang tinutukoy ng kakambal.

"Pero magagawa lang niya iyon kung magawa nila nang maayos ang kung ano mang misyon nila sa Seohae. And if they did get to finish it, then —"

"Kaya wala kang dapat ipag-alala. Just have faith that he'll return here. Babalikan ka niya."

But even with that encouragement coming from her twin brother, Kayla was still at a loss of what to actually do. Pero gusto niyang manalig at magtiwala na tutuparin ni Ianro ang ipinangako nito sa kanya bago ito umalis.

Gusto niyang hintayin ang pagbabalik nito sa mundong kinalakihan niya. Gusto niyang makita nito na hindi lang sa digmaan dapat umikot ang buhay nito. He had her as a reason for him to live beyond what the dimensional wars could show him. Iyon ang gusto niyang ipakita rito sa susunod na magkita sila ni Ianro sa mundo kung saan nagkrus ang mga landas nila.

"Sana nga bumalik siya. Ilang araw pa lang ang nakakalipas pero miss na miss ko na siya, sa totoo lang," pag-amin ni Kayla makalipas ang ilang sandaling pagmumuni-muni niya.

"Hanggang alam niyang buhay ka sa mundong ito, sigurado ako na gagawa siya ng paraan para bumalik siya sa 'yo."

Hindi napigilan ni Kayla ang mapatingin sa kakambal dahil sa mga pinagsasasabi ito. "Mukhang siguradong-sigurado ka sa mga sinasabi mo, ah. May mga sinabi ba sa 'yo si Ianro na hindi ko alam?"

"Hindi lang siya, Kayla. Ganoon din ang ipinangako ng ibang Guardians sa mga taong iniwan nila sa mundo natin."

Agad na napalingon si Kayla sa pinagmulan ng tinig na iyon. Hindi niya napigilang magtaka nang makita niyang papalapit si Riz sa kinatatayuan nila.

"Riz..."

"So don't worry, Kayla."

Doon na tuluyang natahimik si Kayla at muling napatingin na lang sa kambal na puno ng acacia na alam niyang nagsilbing daan ng lalaking mahal niya para makarating sa mundo nila/

Don't worry and have faith. Iyon na nga lang siguro ang tanging magagawa niya hanggang sa muling pagbabalik ni Ianro.

xxxxxx

Alam mo, isang araw na lang talaga, tuluyan nang lalaki ang butas ng Gazing Pond sa ginagawa mong pagtingin diyan araw-araw, eh."

Hindi na nagtangka pang lumingon ni Ianro para malaman kung sino ang dakilang pang-asar na iyon sa ginagawa niya. Alam niyang gumaganti lang ito sa pang-aasar na ginawa niya sa lalaking ito kapag nagmumuni-muni ito.

"Mas mabuti na 'to kaysa naman mukha mo ang butasan ko," ganti niya bago bumuntong-hininga. Ilang sandali pa ay naupo ang lalaking kadarating sa malaking ugat ng puno kung saan siya naroroon ng mga sandaling iyon. "I just want to make sure that she's okay out there."

"Parang sinasabi mo namang wala kang tiwala kay Jethro, ah," komento ni Raegel bago ito naupo sa tabi niya.

"Kay Jethro, meron. Pero sa mga kamag-anak nilang magkakambal, walang-wala. Gusto ba namang ibugaw si Kayla sa iba't-ibang lalaki para lang sa kapangyarihang posibleng manahin ng mga magiging anak niya. They all had this fucked up belief na ang magiging anak ni Kayla o ni Jethro ang magbabalik sa kanila sa kapangyarihang tinanggal sa mga ninuno nila."

"Alam naman natin na hindi totoo iyon. But if they keep on insisting that, mukhang handa naman si Helion na burahin ang bahaging iyon ng kanilang nakaraan sa mga isipan nila."

Hindi na lingid kay Ianro ang planong iyon ng isa pang kaibigan niya. Mabuti nga siguro na ganoon ang gawin nito para wala na silang pinoproblema pa. But he still had to get Kayla's permission for them to actually proceed in doing that. Posibleng ikagalit iyon ni Kayla kapag basta na lang silang nagdesisyong gawin iyon.

Of all the things he didn't want to happen, it was to incur the wrath of the woman he loved.

Hindi niya napigilang mapangiti nang malungkot sa isiping iyon. He just realized that he actually loved the woman who had one of the four essences of Seohae's priestess who died a long time ago. Paano nangyari iyon? He didn't even get a full grasp of everything that had happened ever since meeting Kayla.

But it wasn't like he wanted everything to go back to the way it was. Wala na silang mababago pa sa nakaraan. Nasira na ang mundong kinalakihan at pinrotektahan nila. Napatay na ang babaeng dapat ay pinangalagaan nila bilang mga piniling Seohae Guardians.

Even so, they had now. Nagpatuloy pa rin ang mga buhay nila sa tulong na rin ng mga babaeng alam nilang tuluyan nang bumago sa buhay nilang magkakaibigan. Sa kaso niya, si Kayla ang gusto niyang pasalamatan sa bagay na iyon.

"We have all the time in the world to fix Seohae and bring it back from its ruins. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon, nabibigyan tayo ng panahon na iparamdam sa mga mahal natin ang mga nararamdaman natin para sa kanila," muling pagpapatuloy ni Raegel at saka bumuntong-hininga.

Hindi naman napigilan ni Ianro ang mapatingin sa kaibigan. Hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman dahil sa pagiging seryoso nito. But he waited for him to continue.

"We have our work cut out for us after that war. Pero magagawa pa rin nating ayusin ito. After that, we can finally return to their side. Wala naman sigurong masama kung panghawakan natin iyon para magpatuloy tayo, 'di ba?"

Napangiti na lang si Ianro sa seryosong pahayag na iyon ni Raegel. And deep inside, he knew he was going to do just that.

No comments:

Post a Comment