These Memories To Keep

 


"What in the world are we doing out here again? Kinaladkad mo na naman ako rito para sa wala, Mei?"

Pero isang buntong-hininga ang naging tugon ng kaibigang si Mei sa litanya ng tanong na iyon ni Stacy. Siyempre pa, inasahan na niya iyon kung ikokonsidera niya ang ugali nito na laging gustong laging nasusunod ang mga trip nito sa buhay. Lalo na kapag may naisipan itong gawin.

"Stacy, ginagawa ko ito para sa iyo, okay? Aba, wala ka nang ibang ginawa sa apartment mo kundi magkulong, ah. Mula nang bumalik ka sa kabihasnan 3 months ago, nag-iba ka na."

"Ano'ng gusto mong gawin ko? Magsaya na may isang nilalang somewhere out there na talagang nagpahalaga sa akin for once in my life na nag-aagaw-buhay ngayon dahil sa akin? Mei, hindi pa ako ganoon ka-heartless. Kung sa ex-boyfriend ko siguro nangyari iyon, baka nga talagang ikatutuwa ko pa, eh."

Okay, there she was with her outburst of emotions over the changes she had in the past three months. Pero naroon talaga ang pakiramdam na wala nang makakaintindi sa pinagdaraanan niya. People would just keep on saying na lilipas din ang lahat. When in fact, they would never understand the degree of the pain that kept searing until that moment.

"Stacy, I'm sorry. Wala naman akong masamang intensyon, eh. Pero... do you think he would like it if you kept moping like this? You know him better than I do. Pero alam ko kung gaano ka kahalaga sa kanya."

Natahimik si Stacy sa mga sinabing iyon ni Mei. It was true. She knew that guy more than her friend does. Three months of staying in Sagovarre with the initial intention to unwind and visit her family's ancestral house allowed her to meet possibly the most beautiful person she had ever met. And possibly ang nilalang na masyadong ikinatutuwa ang pagiging guwapo nito.

Hindi niya napigilang mapangiti nang maalala na naman ito. Kahit na sa isip niya, she would refer to him as "nilalang" dahil hindi naman ito tao in the first place. At least, not an ordinary one. Though he looked like human, she immediately knew he wasn't. At napatunayan niya iyon.

"Nami-miss mo pa rin siya, 'no?" tanong ni Mei kapagkuwan na pumutol sa pagmumuni-muni ni Stacy.

Isang malalim na buntong-hininga muna ang naunang naging tugon niya bago tumango. "You have no idea how much. Lalong lumalala iyon sa pagdaan ng panahon na wala akong nalalamang impormasyon tungkol sa kanya. Not that I would know a way to go to his homeworld, though."

"Kung bakit ba naman kasi nauso pa ang ganyang klase ng LDR..."

Napangiti na lang siya sa reklamo ng kaibigan. Then again, tama naman ito. Hers was a weird type of LDR since it involved two different worlds. Literally. However, she wouldn't exactly consider it to be LDR kung ganitong wala nga siyang nalalaman tungkol sa totoong kalagayan nito.

"Stacy... you still believe in him, right? Naniniwala ka pa namang babalik siya rito? Na babalikan ka niya?" muling tanong ni Mei nang marating nila ang nag-iisang higanteng puno sa gitna ng park na iyon.

She knew that tree very well. Kaya naman hindi na niya napigilan ang mapaluha nang makita iyon.

This was where Kymil said goodbye to her before heading out to battle. This was where she last seen him and touched him. Masakit pa rin sa kanya kapag naiisip niya ang mga huling sandali nilang iyon.

But even so, she was sure of one thing.

"He said he had already given his heart to me. Hanggang sa huli, ang drama pa rin niya."

"Ganoon mo naman siya nakilala, 'di ba? Nagda-drama para makuha ang atensyon mo. Then again, he already has the look to catch your attention. He did all that he could to prove how real his feeling for you."

Wala namang nasabi si Stacy pagkatapos niyon. Tama naman kasi ito. Sapat na rin ang mga sinabi nito para muli siyang mapatingin sa langit.

"Not once did he fail in showing it to me. Pero sana... sapat na ang mga pinagdaanan namin para pagbigyan ako ng universe na na makita uli siya."

"And you will..." assurance ni Mei sa kanya. "Kung nagawa nga niyang tumawid sa magkaibang mundo, bakit hindi ka pagbibigyan ng universe na iyan sa hiling mo? Hanggang nasa puso mo pa rin ang pagmamahal mo para kay Kymil, I think the universe will give in to your wish sooner or later."

xxxxxx

Hindi na mabilang ni Kymil kung ilang beses na siyang bumuntong-hininga nang araw na iyon habang nakatingin lang sa kamay niyang may benda pa rin hanggang sa mga sandaling iyon. Bagaman wala nang sugat o malalang injury roon, hindi niya tinanggal kahit na kailan ang bendang iyon. And it wasn't just because that bandage was something that he received a long time ago from the woman he never thought he'd loved so much.

"Maanong bumalik ka na lang kaya sa Human Realm nang hindi ka mukhang tanga riyan na bubuntong-hininga habang nakatingin sa nakabenda mong kamay?"

Hindi na lang pinansin ni Kymil ang banat na iyon ni Ianro na hindi man lang niya naramdamang pumasok na pala sa silid na gamit niya. Palibhasa, sanay na siya roon dahil lagi naman itong nanggugulo sa kanya mula pagkabata. Not that he was pissed or anything. He knew his friend could sense what he was feeling at the moment.

It was Ianro's ability as a Seohae Guardian, after all.

"Alam mong hindi pa sapat ang lakas ko para makabalik sa Human Realm. Creating a new portal going to my intended location would take an intense amount of energy. Ayoko namang mag-collapse kaagad kapag narating ko na ang lugar na iyon," paliwanag ni Kymil na hindi hinaharap ang kaibigan.

"But you've never been the same since you returned here."

Noon lang niya hinarap si Ianro na ngayon ay tumigil na sa tabi niya. "Ako lang ba ang nagbago mula nang bumalik ako rito sa Seohae?"

Walang naging tugon si Ianro sa tanong niyang iyon. But he knew his friend already understood what he meant. All of the seven Seohae Guardians returned to their home kingdom -- still in ruins -- to put an end to the war that nearly killed them all before. But they all did it after making a hard decision to leave something -- or someone -- important to each of them behind the Human Realm.

At alam niyang ganoon din si Ianro.

"You got me there, huh?" tanging komento ni Ianro na ikinangiti na lang ni Kymil. Ilang sandali pa ay naupo na ito sa tabi niya. "Ano na ulit ang pangalan niya?"

"Stacy. She also has one of the keys, just like Lei," sagot niya na ang tinutukoy sa huli ay ang babaeng mahalaga sa kaibigan nilang si Ervin. "Sino ba naman ang mag-aakala na mapapalapit ako sa babaeng makakatulong sa atin na ibalik sa dati ang Seohae?"

"Does she know, though? That she was one of the key bearers?"

Umiling si Kymil. "I don't think her parents ever mentioned anything to her. Pero kung may ideya man siya, may palagay akong wala siyang planong banggitin iyon sa kahit kanino."

Ilang sandali pa ay muli niyang tiningnan ang nakabendang kamay niya. "But I have a feeling... that this bandage holds a part of the key's power that only she could control."

"Mukhang iyan pa yata ang naging pananggalang mo sa mga kalaban, ah. I can definitely sense a mysterious energy coming from that bandage. Pero hindi iyon tulad ng sa susi. This is a different power."

Huminga  ng malalim si Kymil at tumingala sa langit. "Whatever power lies within this bandage, I know that I have this for a reason. At paniguradong ang dahilang iyon ang naging daan para makilala ko si Stacy sa Human Realm. Once I'm all recovered, I'll definitely go back to her side. Hinding-hindi ko na siya pakakawalan pa."

"Confident ka, ah. Sigurado ka ba na hindi ka niya ipagpapalit sa iba habang wala ka roon?"

Kymil smirked at he looked at Ianro. "Mukhang hindi mo alam kung paano magmahal ang isang tulad ni Stacy na key bearers."

"Ano'ng kinalaman ng pagiging key bearer niya sa pagmamahal?"

"Try to recall the legend about the key bearers. The reason why they were chosen to bear such an enormous amount of power that could help us revive our kingdom one day."

Gaya ng suhestiyon niya ay inalala ni Ianro ang tinutukoy niyang alamat. Hindi nagtagal ay muling napatingin sa kanya ang kaibigan. "They were already drawn to the person they were fated to love and cherish right from the start. Even if they didn't realize it at first. But once they do, they continue loving their destined one even in their next lives."

"At ganoon din ako sa kanya, Ianro. I know for certain that I'd only choose one woman to love in this long life of mine."

Kaya naman gagawin ni Kymil ang lahat para magawa niyang ibalik ang dating lakas para makabalik sa tabi ng babaeng minamahal. And he knew the wait won't be that long.

No comments:

Post a Comment