Remain By Your Side

 

"Shouldn't you be looking for your girlfriend right now?"

Magkaganoon man, hindi pa rin umaalis sa kinauupuan niya si Alexander. Nanatili lang siyang nag-iisip habang nakaupo sa mahabang sofa ng mansion na iyon. Sa totoo lang, ilang araw na siyang ganito. Hindi man siya mapalagay, mas pinipili pa rin niyang manatili roon.

And it wasn't just because he made a promise to her that he wouldn't try to follow her to wherever she was heading. There was one other reason.

"You couldn't go to her... Is that it? Is that the reason?"

Wala pa ring imik si Alexander. But he knew Stephen would be able to understand.

"Ilang araw na ba mula nang mawala siya?"

He sighed not long after and faced his friend. "May isang linggo na rin. Iyon ang huling beses na nakita ko siya kasama si Richard. Or at least, the one I thought to be him."

"Ha? Nakita mo na si Richard?"

Tumango si Alexander. "Pero gaya ng inaasahan na natin, wala siyang maalala sa nakaraan niya. But he's aware of his ability both as a pyrokinetic and a portal opener. Hindi nga lang ako sigurado kung paano nga ba siya naging aware sa kakayahan niyang iyon."

"Hindi kaya may kinalaman si Themarie tungkol diyan? You said it yourself. Nakita mo siyang kasama si Richard noong huling beses mo siyang makita."

Hindi siya nakaimik sa sinabing iyon ni Stephen. Then again, his friend could have a point on that one. Pero sa mga sandaling iyon ay iba ang inaalala niya. Kailangan niyang masiguro na nasa maayos na sitwasyon si Themari higit anupaman. But for him to do that, he had no choice but to break his promise.

Cackles of lightning, followed by loud roars of thunder disrupted Alexander's thoughts. Nagkatinginan sila ni Stephen dahil doon. Parehong may bahid ng pagtataka sa mga mukha nila. They both knew that it was not a normal phenomenon, especially since the weather forecast stated that it would be a series of clear days for that week alone. Pareho silang napapunta sa malaking bintana ng silid na iyon at tumingin sa labas para tingnan ang sitwasyon mula roon.

"Could there be another battle going on outside the Human Realm?"

Hindi alam ni Alexander ang isasagot. Nanatili lang siyang nakatingin sa makulimlim nang langit at patuloy na kumikidlat. Kung tama ang hinala niya sa pinagmulan ng mga kidlat at kulog na iyon, mas mabuti pa na kumilos na siya bago pa mahuli ang lahat at pagsisihan iyon.

"Ikaw na ang bahalang magpaliwanag kay Francis kung saan ako nagpunta," sabi ni Alexander bago tuluyang ginamit ang kapangyarihang maglaho. Hindi na niya hinintay pa ang tugon ni Stephen doon.

He doesn't know where Esovia lies, other than the knowledge that it was outside the Human Realm. Regardless, he had a feeling that he'd be able to get there somehow. He had Themarie to help him do so.

xxxxxx

What appeared to be a matter of seconds to Alexander felt like an eternity as his ability to teleport had finally allowed him to reach his destination.

The capital of Esovia. To be specific, he was aiming to reach a certain structure called the Ember Strand Tower. Ngayon pa lang niya makikita ang nasabing tore dahil iyon ang unang pagkakataon na nakarating siya roon. It was Themarie who showed him a vision of it through his dreams. Hindi nga lang niya alam noon na ito ang may kagagawan niyon. Nalaman na lang niya ang tungkol doon nang minsang ipakita ni Francis sa kanya ang isang vision na nakita nito habang nasa fountain sila ng mansion. Ang fountain na iyon ang madalas na ginagamit ng leader nila bilang medium para malaman ang ilang pangitain tungkol sa hinaharap.

And now, he was here -- near the tower of his purpose. Pero sa totoo lang, hindi niya mapigilang kabahan sa klase ng katahimikang sumalubong sa kanya. The surrounding area looked like a ghost town, as if no one had decided to live there since the war started. Saka na lang niya pagtutuunan ng pansin ang tungkol doon. Mas mahalaga sa kanya ang makita si Themarie sa mga sandaling iyon.

He just hoped that he wouldn't be too late in reaching her or who knows what he might end up doing.

Ilang sandali rin bago niya narating ang base ng Ember Strand Tower. Pero hindi pa man siya tuluyang nakakatapak papasok sa lugar ay napatigil siya. Several dog-like humanoids came out of the tower and aimed their spears at him. And to think their spears weren't he would consider ordinary because there were cackles of electricity surrounding the blade. It would be easy for him to deal with it if he had his Orsmerth Guardian colleague Donald's ability.

Hindi pa man tuluyang nakakahuma sa tumambad sa kanya ay bigla siyang nakaramdam ng kakaiba na papalapit sa kanya.  Upon looking up, his eyes widened at the sight of dark energy beams about to come towards him. Before he could stop himself, his hand glowed and activated a force field -- rather unconsciously -- to surround himself. Mabuti na lang at nagawa niya iyon bago pa siya tuluyang tamaan ng beam na iyon. Kung hindi ay baka natusta na siya n'on.

How did Alexander come to that conclusion? It was the impact he felt when the force field he created blocked that beam. At alam niya kung saan nanggaling iyon. He had to go there.

He had to go to her.

"Wala akong panahong makipaglokohan sa inyo!"

Without warning, he disabled his force field to be able to use teleportation and reach his destination. But not without adding intensity to it, soon throwing the dog-like goons away from his path and his range. He looked up to the tower once more as his stare on it hardened.

"Hintayin mo ako, Themarie..."

xxxxxx

Hindi mapigilang mapangiti nang mapakla ni Themarie habang nakatingin sa mabatong kisame ng silid na iyon sa Ember Strand Tower. What was once a room she used to go to unwind had now become a battlefield for her to ensure their victory. Or in this case, to ensure her comrades' safety as she was the only one who remained standing in fighting off their enemy's general.

Hindi pa tuluyang natatapos ang laban nilang mga Beast Spirit Knights. Pero heto siya, pagod na pagod na at hindi na kayang tumayo pa. Mukhang sinagad na niya nang husto ang paggamit ng kanyang kapangyarihan nang kalabanin niya ang isa sa limang heneral ng mga Arkariz. Kaya kahit gusto na niyang bumalik sa Human Realm, mukhang hindi na niya magagawa.

Bago pa niya magawang pigilan ang sarili ay tumulo na ang mga luhang ilang araw na rin niyang pinipigilang tumulo. Gustong-gusto na niyang umuwi. Gusto na niyang bumalik sa tabi ni Alexander. Tahimik na napahagulgol na lang siya nang maalala ang Osmerth Guardian na iyon.

'I'm sorry...' Iyon lang ang nagawa niyang sabihin sa kanyang isipan nang paulit-ulit habang patuloy na umiiyak. "I guess... I won't be able to make it..."

Unti-unti na lang niyang namamalayan ang sarili na napapapikit dahil sa matinding pagod at sakit ng katawan na nararamdaman.

"Themarie!"

Nakuha ng pagsigaw na iyon sa pangalan niya ang kanyang atensyon at ang nagpagising sa kanyang isipan. Kahit hirap ay iginalaw niya ang kanyang ulo para hanapin kung saan nanggaling ang pagtawag na iyon. Ganoon na lang ang paglaki ng kanyang mga mata nang tuluyang makita kung sino ang nakatayo sa pinto ng nawasak na silid na iyon.

"Alex... ander..." Halos pabulong na lang ang tinig na lumabas sa kanyang bibig pagkakita niya rito. "Why...?"

"Are you okay? Sino ang may gawa nito sa 'yo?"

Nakita niya ang nagmamadali nitong paglapit sa kinahihigaan niya at agad siyang kinarga. Hindi na siya pumalag pa dahil wala na rin naman siyang lakas na gawin iyon kaya hinayaan na lang niya si Alexander.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" Nagawa pa ring itanong iyon ni Themarie kahit na pabulong lang.

"Looking for you, of course. Alam kong nangako ako na hindi ako makikialam sa laban mo. But don't expect me to just tuly leave you alone like that. Gusto ko pa ring tulungan ka sa paraang alam ko."

Walang maisip itugon si Themarie pagkarinig sa mga sinabing iyon ni Alexander. Ang tanging nagawa na lang niya ay ang mapaluha, dala na rin ng samu't-saring emosyon na bumabalot sa kanya ng mga sandaling iyon.

"Pagod... na ako, Alexander..." sabi niya, pilit na lang kumukuha ng lakas kahit na sa totoo lang ay gusto na niyang matulog nang matagal.

She didn't hear any response from him. When she opened her eyes, she looked up to see him planting a soft and lingering kiss on her forehead. The next thing she knew, she felt something drop on her right cheek.

A teardrop... that she knew doesn't belong to her.

'Why are you crying?' Gusto sanang isatinig iyon ni Themarie pero hindi niya nagawa. Sa halip ay pinilit na lang niyang itaas ang isang kamay at hinawakan ang braso ni Alexander.

Moments later, his lips left her forehead and he soon faced her. "Then sleep. I'll be here with you. Don't worry about anything, okay?"

Sapat na iyon para mapangiti siya at gawin ang nais nito. She trusted him, and with a smile, finally closed her eyes and allowed her consciousness to drift away to some far-off dreamland. She just had to rest. So that when she woke up, she would see the man she loved by her side.

Just as he promised.

xxxxxx

WRITER'S NOTE: Actually, hindi ito ang talagang nagawa ko nang isulat noon na kuwento ni Kai. Pero hindi ko alam kung anong masamang hangin ang napunta sa utak ko para mabura 'yong nauna ko nang naisulat. Kaya heto ako ngayon, nagsulat na naman ng panibago. Anyway, si Themarie pa rin ang ginamit kong female lead ni Kai gaya ng nauna ko nang nagawa. Hindi ko nga lang alam ang Wattpad username niya kaya hindi ko mai-dedicate sa kanya 'to. Sino kaya ang isusunod kong gawan ng short story? Kahit hanggang short story man lang.

No comments:

Post a Comment