This Love I Have

Whoever thought that finding some old item in a house that you lived in all your life would bring so much to someone? Well, at least that was what happened to Riz when she found something by the bedroom wall. Okay, it was actually behind the bedroom wall inside the master's bedroom.

Ang dating kuwarto ng mga magulang niya bago lumipat ang mga ito ng tirahan sa siyudad. Siya na lang ang natitira sa bahay na iyon na minana pa niya sa kanyang lola. Isang bagay na noong una ay hindi niya inasahan dahil nasa utak niya na ang kanyang ama ang magmamana niyon.

But then, Riz's dad chose to live away from that house. Not because of a bad memory or something like that. Alam lang nito na hindi ito makakatagal sa lugar na magpapaalala rito ng tungkol sa kapatid nitong babae -- ang tita niya -- na namatay sa cancer. Maraming magagandang alaala ang bahay na iyon tungkol sa magkapatid at hindi lang talaga nito matanggap na wala na ang tita niya.

Naisipan niyang pumasok doon ilang oras matapos bumisita ang kanyang mga magulang doon. Nabanggit ng mga ito ang tungkol sa pagre-renovate ng master's bedroom para maging kuwarto niya kung sakali ngang magdesisyon siyang paupahan ang ibang mga kuwarto roon. Hanggang sa nasabi ng mga ito ang isang maliit na butas na lagi na lang nakakalimutan ng mga ito na ipaayos.

Na-curious siya sa butas na binanggit ng mga ito kaya nagdesisyon siyang pasukin ang master's bedroom. Agad na dumako ang paningin niya sa may kalakihan nang butas sa dingding na bahagya lang natatakpan ng wooden cabinet na dating pinaglalagyan ng mga picture frames at ilang libro ng mga magulang niya.

Bakit nga ba ngayon lang niya nakita iyon?

Riz approached the said hole on the wall and slightly pushed the cabinet to have a clearer view of it. Hindi nga niya talaga mahahalata iyon dahil hindi siya nadadako sa puwestong iyon kahit noong bata pa siya. Ang nakapagtataka lang, bakit hindi pa rin iyon nagagawang ipaayos kahit ilang beses nang nakita iyon ng kanyang mga magulang?

She crouched down to look at the hole. Wala namang kakaiba sa butas na iyon, kung titingnan lang niya iyon. But she knew she couldn't fool herself. That hole was definitely something. Weird, mystical, a little scary... Hindi talaga niya maipaliwanag ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon habang nakatingin sa butas na iyon sa dingding. Sa tagal niyang nakatingin sa butas, hindi niya kaagad napansin na may heart-shaped tin box na naroon sa loob niyon.

Napansin na lang niya iyon nang bahagyang magliwanag ang nasabing tin box na naroon sa loob niyon.

"What the heck?"

Nanlalaki ang mga matang unti-unti siyang lumuhod upang tingnan nang husto ang nasabing bagay. Natatakot man, mas umiral ang kuryosidad niya tungkol doon. She extended her hand and reached out to get the tin box inside the hole. It was warm... and also pulsating, for some weird reason.

This is seriously getting stranger by the minute... sabi na lang niya sa kanyang isipan nang tuluyan na niyang mailabas ang tin box sa butas. The glow surrounding the item disappeared as soon as she did that. But the pulsating feeling remained. Gusto na talaga niyang isipan na may alam ang kanyang mga magulang sa kung ano mang itinatago ng tin box na iyon. And she had the strangest feeling that they also knew... it was for her. Kung hindi siya nagkakamali sa posibleng interpretasyon ng pagtibok na nararamdaman niya habang hawak iyon, mukhang siya lang talaga ang hinihintay niyon.

"May ganoon ba?" Gusto na lang niyang natawa sa mga naiisip dahil sa nakitang tin box.

As soon as Riz took a deep breath, she decided to open the item. Pero kumunot lang ang noo niya nang makita ang ilang envelopes na naroon. Idagdag pa ang isang pocket watch na kahit may kalumaan na, napansin niya na gumagana pa rin iyon. But the thing that caught her attention was a photo. Two polaroid photos, to be exact. One was a photo of a painting that featured the right side profile of a woman holding a trumpet creeper. While the other hand also the side profile of a person. This time, a young man. In this case, however, he was holding something else near his face, as if he was about to smell it.

A ribbon, about 2 inches thick, and colored lavender. At the end of that ribbon, an astible flower was sewn to it. Alam niyang hindi iyon totoong bulaklak. Pero hindi nabago niyon ang isang isiping sumagi sa kanya. Hindi siya maaaring magkamali.

Both flowers meant "waiting".

Pero bakit nasa loob iyon ng tin box? May gusto bang sabihin sa kanya ang kung sino man ang may-ari ng tin box?

The old pocket watch... Could it mean that regardless of the length of time that the person had to wait, he'd still do it? Gumagana pa rin iyon hanggang ngayon. Para bang bago lang iyon at hindi halatang niluma na ng panahon...

Come to think of it, gaano na ba katagal na nasa loob ng butas na iyon ang tin box? And to think it was heart-shaped, as well...

Isang paraan na lang ang naiisip niya para malaman ang sagot. Ang mga envelopes na naroon. Posibleng sulat ang mga iyon.

Hindi niya alam kung bakit kinakabahan sa naisip niyang gawin. Pero kinakain na siya ng kuryosidad sa mga sandaling iyon. Isa pa, iyon siguro ang gustong ipakita sa kanya ng mga magulang niya nang banggitin ng mga ito ang tungkol sa butas na iyon. Hindi siya sigurado kung ano nga ba ang malalaman niya kapag nakita (at nabasa) niya ang nilalaman ng mga envelopes na iyon.

Riz exhaled, nearly in exasperation. "Bahala na. Hindi rin naman ako patutulugin nito 'pag nagkataon, eh."

If only she figured out sooner how right she was...

xxxxxx

"Hanggang kailan ka titingin sa butas na 'yan, ha, Raegel? Aren't you suppose to be resting right now? You're still recovering from the battle."

Hindi na pinansin ni Raegel si Ianro kahit nang tumabi na ito sa kanya at nakitingin na rin sa butas ng sacred tree na naroon. Well, it wasn't really a hole, but more like a gap that could be seen on the ground that the giant roots created. That gap was Raegel's only window to the Human Realm at the moment. Hindi pa nagagawang ayusin ang Storm Globe kung saan iyon ang totoong bintana ng mga Guardians na tulad niya at ng kanyang mga kaibigan sa Human Realm. Then again, only the Grand Priestess could use it to its full ability.

Ang problema, isa ang Grand Priestess sa mga napaslang noong Dimensional War 348 years ago sa timeline ng Seohae. That was equivalent to 29 calendar years of the Human Realm. It was the time kung kailan nawasak ang halos kabuuan ng Seohae. They were aware that she reincarnated somewhere else. But they later found out that her reincarnation was in the Human Realm.

"Hindi ka pa ba babalik sa kanya kapag gumaling ka na?" tanong ni Ianro sa kanya kapagkuwan.

Ilang sandali rin ang inabot bago sumagot si Raegel. "Hindi na muna. Wala pa akong matinong paliwanag sa kanya kung bakit ilang taon din akong hindi nagpakita sa kanya."

"Raegel, wala tayong pagpipilian ng mga panahong iyon. All of us don't have that. It's either we close the portal on Sagovarre and protect the Human Realm or we lose both the Human Realm and our world altogether. I know it hurts, but it's a matter of protecting what we've built since Seohae's near destruction. Isa pa, ito ang huling misyong ibinigay sa atin ng Grand Priestess bago siya napatay -- ang pangalagaan ang Seohae kahit na ano'ng mangyari at muling bumangon sa kabila ng mga pagkatalong mararanasan natin sa laban. We're only doing that."

Napangiti nang mapakla si Raegel. "Hindi ko lang akalain na magagawa ko lang iyon sa pamamagitan ng pag-iwan ko kay Riz."

"But she was too young back then. 16, right? At tiyak din na hindi papayag ang mga magulang niya na kunin mo siya at dalhin dito."

Doon kumunot ang noo ni Raegel. "Ano'ng ibig mong sabihin? Nagpakilala ako sa mga magulang ni Riz noon na tutor niya. Pero ano'ng sinasabi mo na kukunin ko si Riz at dalhin dito sa Seohae?"

Ilang sandali ring walang imik si Ianro bago tumango-tango. "Kung ganoon, kami pa lang pala ni Erven ang nakakaalam n'on."

"Puwede ba, ipaliwanag mo sa akin nang husto ang sinasabi mo ngayon? Lalo mo akong nililito, eh."

"The real reason why Erven went along with Rhistel to Sagovarre when they decided to head there first was because he sensed it. We all knew the Grand Priestess' essence was divided into four, right? Her will, her soul, and her powers were split into two aspects -- one contained the offensive and the other was the defensive aspect of it. Erven was able to prove that one of those four actually became a part of Riz when she was born 26 years ago on the Human Realm's timeline. That's 312 years ago here on our timeline. At alam iyon ng mga magulang ni Riz. Kaya ganoon na lang ang pagbabantay nila rito."

What the heck was that? Sa kabila ng gulat na naramdaman, hindi pa rin nagawang isatinig iyon ni Raegel. How come he wasn't able to sense that in Riz whenever he was with her?

"I don't blame you for not being able to sense it at the time. Kahit ako, nang makita ko si Riz for the first time, hindi ko rin naramdaman ang sinasabi ni Erven na si Riz ang vessel ng isa sa apat na nagkalat na essences ng Grand Priestess. Pero alam mo ang kakayahan ni Erven na isa sa mga dahilan kung bakit napili siya bilang isa sa mga Guardians ng Seohae."

At hindi niya ikakaila iyon. Matapos marinig ang mga iyon ay muling napatingin sa butas ni Raegel at huminga ng malalim bago tumango-tango. "Then I guess it was right that I left her there when the Second War started."

"But you won't be able to do that for long. Now, more than ever, you have to stay by her side. At mukhang nawawalan na rin ng epekto ang memory sealing spell ni Helion. It's just a matter of time bago siya tuluyang matunton ng mga kalaban natin na buhay pa rin hanggang ngayon at handang gumanti sa atin," sabi ni Ianro at tinapik pa ang balikat ni Raegel. "Of course, I know you're not going to let something bad happen to her, right?"

Napatingin na lang si Raegel sa kaibigan. Pero sigurado siya na hindi na nito kailangang marinig ang sagot niya.

No way in hell would he allow that to happen -- not to the woman he had come to love this much. Kailangan na nga siguro niyang bilisan ang pagpapagaling sa mga sugat niya. May dapat pa siyang balikan sa Sagovarre.

I'd be able to see your loving eyes again, Riz. And I'm not going to leave you ever again once I return to your side... I promise...

xxxxxx

WRITING PROMPT USED: Write your story with a character finding an old heart-shaped box in their house.

WRITER'S NOTE: The name Riz is actually a nickname I made for the name Larissa. Iyon na lang ang naisip kong name ng female lead ng Jin-inspired character ng one-shot na 'to. And yes, tungkol pa rin sa katatapos na giyera ang topic ng kuwento nila rito. Ngayon naman, kailangan kong mag-isip ng topic tungkol na gagawin ko sa kuwento nina Taehyung at Jimin. By the way, the trumpet creeper's meaning was something I saw that they used in K-Drama. As for the flower astilbe, ginamit ko ang meaning na nakita ko sa Western floriography (language of flowers). Minsan kasi, may ibang ibig sabihin ang ibang bulaklak sa Eastern version. At saka may particular meaning kasi akong ginamit kaya kailangan kong maghanap. Hehe!

No comments:

Post a Comment