Stay By My Side


The sky continued to give off that ominous vibe that he started feeling as soon as Stephen stepped out of the mansion. Pero kahit ganoon ang pakiramdam niya, iyon lang ang gabay niya sa mga sandaling iyon para malaman kung nasaan si Maxiel. Mukhang ang mga katulad lang niyang may taglay na kapangyarihan ang nakakakita ng nagaganap na kababalaghan sa kalangitan.

Tama nga si Neriah—ang babaeng Angel Knight na nagsabi sa kanya ng tungkol sa gustong gawin ni Maxiel—sa sinabi nito sa kanya. Pero sapat din na rason iyon para lumala ang kabang nararamdaman niya. He wasn't someone who would always feel nervous like this, even while he was dealing with his own set of battles.

Pero siguro nga, kapag ang taong mahal mo ang dahilan, kahit ang pinakakalmadong nilalang ay makakaramdam ng 'di maipaliwanag na takot at kaba. Iyon ang minsang sinabi ni Francis sa kanya nang minsang tanungin niya ito kung bakit handa itong gawin ang lahat para sa kapakanan ng nobya nitong si Ilsie, lalo na nang hindi iilang beses na nalagay ang dalaga sa kapahamakan.

It didn't take him long to reach his destination—an old tower that seemed to be out of place around the area. Pero ito ang lokasyong binanggit sa kanya ni Neriah na pupuntahan ni Maxiel. At mukhang ang toreng ito rin ang pinagmulan ng mga pagkidlat na kanina pa niya nakikita habang papunta siya roon.

Wait for me, okay? Don't do anything reckless right now, Max...

Iyon lang ang kaya niyang gawin sa mga sandaling iyon—ang humiling para sa kapakanan ng babaeng mahal niya.

Ngunit hindi pa man siya tuluyang nakakahakbang papunta sa tore ay sinalubong na siya ng ilang nagbabantay roon.

"Just great..." naiinis na bulong ni Stephen bago inilabas ang sariling sandata—ang espadang ipinamana pa ng kanyang ama sa kanya bago siya mapiling maging isang Osmerth Guardian. But that was several thousand years ago, though. Malabo na sa kanya ang alaalang iyon dahil natabunan iyon ng galit niya para rito mula nang traydurin nito ang kanyang pamilya.

Even so, that sword was important to him. As important as that of Maxiel's life that he had to save at the moment.

"Kung talagang gusto n'yo akong tapusin, siguraduhin n'yo lang na handa kayong sanggahin ang lahat ng ipapatama ko sa inyo!"

Pero tila walang nakinig sa mga sinabi niya. A smirk appeared on his face as he prepared himself to face these goons heads on. Kailangan niyang makarating agad kung nasaan si Maxiel. At walang makakapigil sa kanya kahit na ano'ng mangyari.

xxxxxx

Hindi napigilang mapasigaw ni Maxiel sa sakit nang tumama ang likod niya sa pader nang puwersahan siyang ipatapon ng kanyang kalaban gamit ang kapangyarihan nito. She wasn't able to avoid that dark beam coming from her opponent because she was preoccupied. Ilang mga tauhan din ni Saphielle ang sumugod sa kanya at sinubukan siyang patumbahin pero nagawa naman niyang tapusin ang mga ito. Pero hindi pa rin maikakaila na lamang pa rin ang kalaban niya sa mga sandaling iyon.

If only she had the legendary Light Edge...

Hindi ako puwedeng umasa sa isang alamat ngayon! Kailangan ko nang matapos ito.

Kahit masakit, pinilit ni Maxiel ang tumayo para ipagpatuloy ang laban. Hindi siya puwedeng matalo sa mga sandaling iyon. Hindi siya maaaring talunin ni Saphielle kahit na kailan. Upon checking her wings, she couldn't help wincing at the surge of pain coming from there. Ilang sandali pa ay hinarap niya ang kalaban sa kabila ng pagod at matinding sakit na nararamdaman.

"Hanggang diyan ka na lang naman, Maxiel. Wala ka nang magagawa para pigilan ako. Hindi mo iyon nagawa noon. At mas lalong hindi mo magagawa iyon ngayon. Look at you. You're weak!" nang-uuyam na pahayag ni Saphielle bago tumawa nang nakakaloko.

Kung noon siguro, tuluyan nang naapektuhan ng mga salitang iyon si Maxiel. Pero tatlong taon na ang lumipas. Isa lang ang masasabi niya sa panahong iyon.

Marami na ang nagbago sa kanya.

Max, can you hear me?

Hindi maipaliwanag ang pagdagsa ng kabang iyon sa dibdib niya pagkarinig niyon. It can't be...

"Stephen?" pabulong na ulit niya bago napatingin kay Saphielle.

Pero bago pa man siya makatugon, tumambad sa kanya ang papalapit na dark energy beam sa kanya. Wala na siyang ibang nagawa kundi ipikit ang kanyang mga mata at hintayin ang pagtama niyon sa kanya para tuluyan na siyang tapusin.

Pero ilang sandali na ang lumipas, wala pa ring tumatama na kahit ano sa kanya.

"S-sino ka?!"

Napabukas ng mga mata si Maxiel nang marinig ang tanong na iyon ni Saphielle. Sa gulat niya ay may nakatayo sa kanyang harapan na para bang nagsilbing shield niya mula sa beam na iyon. But from that person's figure alone, she knew who it was that came to her rescue.

"Stephen!"

Hindi siya nito hinarap. Bumuntong-hininga lang ito at tumayo mula sa pagkakaluhod sa isang tuhod. Adding more to the surprise she initially felt, she saw him holding a familiar winged sword in addition to his own weapon.

"Paano'ng—?"

"Si Francis ang nagsabi sa akin kung nasaan ito. He said that you're going to need this if you want to finish this fight."

That was when Stephen turned around to face Maxiel and smiled that familiar cheeky smile of his. Hindi na niya napigilang mapaluha nang makita iyon at nang ilahad nito ang isang kamay sa kanya.

Sa huli ay kinuha niya iyon at tinulungan siya nitong tumayo sa kabila ng sakit na nararamdaman.

"Bakit ka pa nagpunta rito?" May ideya na si Maxiel kung sino ang nagsabi rito ng tungkol sa plano niya kaya iyon na lang ang naitanong niya kay Stephen.

Bago pa man masagot iyon ni Stephen, iniabot na nito sa kanya ang hawak nitong Light Edge. Walang pag-aalinlangang kinuha niya iyon mula rito at muli itong tiningnan.

"Saka ko na ipapaliwanag sa 'yo ang dahilan ko. But I want you to remember that I'll do everything for you, as long as I can do them. Isa na ito sa mga magagawa ko para sa 'yo." He held her hand without looking away from her. "Kaya tapusin na natin ito. We'll do it together... so that we can go back to the place we always call home."

Nakangiting tumango si Maxiel at determinadong hinarap si Saphielle. Itinuon naman ni Stephen ang atensyon nito sa iba pang mga tauhan ni Saphielle na gustong makialam sa laban na iyon.

Perhaps she couldn't really do it alone, after all. Naisip lang niya iyon ngayong narito na si Stephen para tulungan siyang tapusin ang laban na iyon.

And end it, she will.

No comments:

Post a Comment